Facebook

Palaban

TAGUMPAY ang public event ng 1Sambayan, ang organisasyon ng puwersang demokratiko sa bansa. Nagsisilbing kanlungan ng tunay na puwersang oposisyon ang 1Sambayan sapagkat nasa kanilang hanay ang kumokontra sa pamamalakad ng naghaharing koalisyon sa pamumuno ni Rodrigo Duterte. Inilatag ng 1Sambayan sa publiko ang listahan ng ilang katao na maaaring piliin ng koalisyon upang isabak sa panguluhan ng 2022.

Hindi kailangan ang 1Sambayan kung hindi nag-aatubili si Bise Presidente Leni Robredo na sumabak sa panguluhan sa 2022. Hanggang ngayon, hindi alam sa sarili kung lalaban o hindi. Bantulot si Leni dahil sa maraming dahilan: Walang salapi; wala siyang malaking organisasyon na susuporta; wala ang pangako ng suporta ng mga malalaking lider sa iba’t-ibang sektor; at wala ang suporta ng mga anak na mas pumapabor sa kanyang pagreretiro sa pulitika.

Matindi ang ingay ng mga panatikong taga-suporta ni Leni sa social media. Patuloy ang walang humpay na pagsamba kay Leni na sa kanilang paniniwala ay magsasalba sa demokrasya ng bansa. Hindi nadala kahit si Leni ng mga ingay ng kanyang mga panatikong tagasamba sa soc-med. Walang malinaw kung tatakbo o hindi si Leni kahit nasa listahan ng 1Sambayan ang kanyang pangalan ng mga pagpipilian.

Ngayon, bantulot kung tatakbo o hindi si Leni. Kung tatakbo, mas malaki ang posibilidad na bilang gobernador ng Camarines Sur or alkalde ng Naga City. Kung hindi, baka magretiro na lamang siya sa pulitika. Marami pang mangyayari sa loob ng 12 buwan, kaya mahirap magsalita at siyempre, manghula.

Nandoon si Grace Poe, Eddie Villanueva, at Chel Diokno sa talaan ng 1Sambayanan. Marami ang hindi natutuwa sa pagkakasama ni Grace Poe sa listahan. Marami ang nasusuklam sa kanya dahil ang paglahok ang nagdala sa tagumpay ni Rodrigo Duterte noong 2016. Siya ang dahilan sa pag-angat ni Duterte, anila, dahil nahati ang boto ng puwersang demokratiko.

Nagsabi si Vilma Santos –Recto ng Batangas na alisin ang pangalan sa talaan ng 1Sambayan. Bagaman maagang nasa talaan si Sonny Trillanes, marami ang sang-ayon sa kanya dahil sa pangingimi ni Leni sa pagtakbo. Sa kanila, tamang-tama si Sonny Trillanes dahil nasa kanya ang isip at puso ng mandirigma na sasagupa sa mga kandidatong kriminal ng grupong Davao.

Sa maikli, tama ang direksyon ng 1Sambayan. Kung patuloy ang 1Sambayanan, hindi malayo na magkaroon ng isang palaban ng tambalan na ilalaban sa 2022. Sa gitna ng ingay, iimbulog ang isang matibay na moog ng ating demokrasya.

Isa sa kakatwang pangyayari sa 1Sambayan ay hindi kasama kahapon ang isang tao na kinikilala bilang estafador. Nagpapanggap siya na kasama ng 1Sambayan ngunit iba ang galaw. Pabor kunwari kay Leni ngunit panay ang banat kay Sonny Trillanes. Kilala siya bilang “solicitation king” sa mga netizen, lalo na iyong mga OFW. Alam ng 1Sambayan na walang integridad ang taong ito.

***

SAPAGKAT may posibilidad na si Sonny Trillanes ang kandidato ng 1Sambayan, may kalatas ang aming kaibigan na si Roly Eclevia kung sino ang pipiliin na katambal sa 2022.

Trillanes will lose with Poe as running mate

Sonny Trillanes will lose if he runs for president and takes Grace Poe as running mate. He will alienate the Cory Aquino loyalists and left-of-centrists, the Liberal Party and Civil Society, who blame her for the election of Rodrigo Duterte, a mass murderer and a traitor.

Mr. Trillanes performed well as a senatorial candidate because the progressive forces rallied behind him when he sought to overthrow the corrupt Gloria Macapagal-Arroyo government. Even Cory lent a sympathetic ear.

He does not have a base of supporters of his own. He is another Ping Lacson and Gringo Honasan, who won over the media for their supposed manly attributes and revolutionary fervor. They turned out to be frauds

If Mr. Trillanes makes common cause with Ms. Poe, he too will lose the goodwill he now enjoys.

Ms. Poe is perceived to be an ingrate. She was herding pre-schoolchildren in Boston, Mass., when then-President Noynoy Aquino appointed her MTRCB chair. He then reserved a slot for her in the LP senatorial slate. Yet she sought to put him in jail on trumped-up charges, just because he chose Mar Roxas as Administration presidential candidate over her.

She is also seen by many as a traitor. She changed her citizenship twice, from Filipino to American and from American to Filipino, trashing her native country and adoptive country each time.

The woman is toxic. She will drag him down.

***

MGA PILING SALITA: “The Philippines is strategically located. It is sandwiched by the South China Sea to its west and by the Pacific Ocean to its east. It is the eastern frontier of Islam and the western frontier of Christianity. To its west across the South China Sea, Bay of Bengal, Indian Ocean and the Arabian Sea is Indonesia, Malaysia, South Asia and the Middle East, the demographic heartland of Islam. To its west across the Pacific Ocean is North America and South America, the demographic heartland of Christianity. It is also sandwiched by Taiwan to its north and by Borneo to its south.” – Sahid Sinsuat Glang, netizen

“1Sambayan, you’ve probably read all the post regarding your choices and the confusion it has created. Now, get your acts together. Kung walang mapili besides the popular clamor, then declare it and rally behind. To the anointed one, decide once and for all.” – Alex D., aka Shintaro Abe, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Palaban appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Palaban Palaban Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.