Facebook

Comelec ilalabas ang 2022 election guidelines bago ang paghahain ng COC

ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong guidelines para sa 2022 elections bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy o COC sa buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Jimenez sa press briefing na sinisimulan na ng poll body ang pagbuo ng alituntunin kung saan may mga pagsasaayos sa proseso ng halalan dahil na rin sa pandemya dulot ng COVID-19.

Kabilang sa alituntunin na kailangang i-adjust ng Comelec ay ang pagsasagawa ng election campaigns at presidential debates gayundin ang proseso ng paghahain ng COC.

Maaalala na nauna nang inihayag ng Comelec na babaguhin ang mga patakaran at regulasyon sa kampanya para sa national at local elections dahil sa pandemya.

Pero ipagpapatuloy pa rin ang 2022 presidential debates.

Oktubre 1 hanggang 8 naman itinakda ang paghahain ng COCs ng mga nais kumandidato para sa national at local na puwesto. (Jocelyn Domenden)

The post Comelec ilalabas ang 2022 election guidelines bago ang paghahain ng COC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Comelec ilalabas ang 2022 election guidelines bago ang paghahain ng COC Comelec ilalabas ang 2022 election guidelines bago ang paghahain ng COC Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.