Facebook

Death at burial benefits sa IP Reps, pinuri ni Bong Go

PINASALAMATAN at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaloob ng death at burial benefits sa indigenous peoples mandatory representatives (IPMR) sa mga barangay.

Bago tumakbo sa pagkasenador noong 2019, isa si Go sa nangungunang nananawagan na mabigyan ng ganitong benepisyo ang IP representatives.

“Kinokomendahan ko po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 18 ng Executive Order No. 139 na nagbibigay ng awtoridad sa pagbibigay ng death at burial benefits sa Indigenous Peoples Mandatory Representatives o IPMRs sa mga barangay,” sabi ni Go.

“Malaki po ang maitutulong at maidudulot nito sa mga kababayan nating katutubo, lalo na sa mga pamilya ng kanilang mga lider, sa gitna ng kasalukuyang pandemya,” idinagdag niya.

“There is a need to recognize the invaluable contribution” of IPMRs in barangays, isinasaad sa Executive Order No. 139.

Inaatasan nito ang Department of the Interior and Local Government, gayundin ang Department of Budget and Management at National Commission for Indigenous Peoples, na idetermina ang halagang gagamitin o iko-cover sa death at burial benefits ng IPMR.

Higit dito, iginigiit ng EO 139 na ang kompensasyon ay dapat na “in full compliance” sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 8371, mas kilala bilang Indigenous Peoples Rights Act.

Batay sa batas, ang Indigenous peoples’ representatives sa lahat ng policy-making bodies at local councils ay dapat may kaparehas na karapatan na katulad ng regular na miyembro ng legislative at policy-making bodies na kanilang kinabibilangan.

Bago pa man naging senador, una nang nangako si Go na ipo-promote ang interes at kapakanan ng IPs, sa pagsasabing nais niyang matiyak na hindi sila mababalewala sa lipunan.

Noong 2019, inirekomenda rin ni Go sa Office of the President na bigyan ng P3,000 Christmas incentives ang halal na barangay officials, kasama ang IPMRs, bilang pagkilala sa kanilang pagmamalasakit sa kanilang komunidad.

“Wala po kaming ibang hangarin ni Pangulong Duterte kundi ang kabutihan ng bawat Pilipino dahil mahal namin kayo,” sabi ni Go.

Ang senador ang nangunguna para madamayan ang indigenous communities na apektado ng pandemya. Noong May 20, binigyan ni Go ng ayuda ang indigenous communities, mga dating rebelde at magsasaka sa Mati City, Davao Oriental.

Sinuportahan din niya ang konstruksyon ng Masandag Tribal Village sa Tagum City, Davao del Norte na magkakaloob ng maayos na bahay sa 400 miyembro ng indigenous groups sa nasabing lugar.

“Sa wakas, matutupad na rin ang pangarap ng ating mga kapatid na Lumad na magkaroon ng sariling bahay, at inyo na talaga itong mga bahay,” sabi ni Go sa kanyang mensahe matapos ang ceremonial Memorandum of Agreement signing, turnover ng tseke at groundbreaking ng tribal village housing.

The post Death at burial benefits sa IP Reps, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Death at burial benefits sa IP Reps, pinuri ni Bong Go Death at burial benefits sa IP Reps, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.