Facebook

‘Drive-thru vaccination hub’ para sa trike, pedicab at delivery services drivers, binuksan sa Maynila

NAGSIMULA ng mag-operate ang isang ‘drive-thru vaccination hub’ laban sa COVID-19 na sa binuksan sa Maynila nitong Martes at ito ay eksklusibo para sa mga driver ng tricycle, pedicab at delivery services.

Mismong sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang nanguna sa pagbubukas ng naturang proyekto, na isinagawa sa pangunguna ng Office of Vice President (OVP), Manila City government, at mga katuwang nitong pribadong sektor.

Nabatid na ang naturang inisyatiba ay tinawag na #VaccineExpress, at isasagawa ito mula ngayong Martes, Hunyo 22 hanggang bukas, Miyerkules, Hunyo 23, sa pakikipag-koloborasyon sa mga private firms na UBE Express, Seaoil, Smart Communications, at Cultural Center of the Philippines.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman nina Robredo at Moreno ang mga volunteer doctors at nurses, kabilang na ang mula sa Bayanihan E-konsulta initiative, na lumagda upang makiisa sa naturang proyekto.

Umaapela rin naman sila sa mas marami pang volunteers upang higit pang maging matagumpay ito.

Sa kabilang dako, kapwa rin tiniyak nina Robredo at Moreno sa publiko na ang kanilang partnership para sa naturang ‘drive-thru vaccination hub’ na ang layunin ay gawing accessible ang COVID-19 vaccine sa mga residente ng lungsod ay walang kinalaman sa paghahanda sa pagtakbo sa 2022 polls.

“I do not know, maybe I will return, maybe she will return, everybody can rest…it (2022 polls) is too far-fetched. What matters most now is the pandemic. There is a health threat, kailangan ng trabaho dahil naapektuhan ang ekonomiya, iyan ang mahalagang pinag-usapan namin ni Vice President,” ayon sa alkalde, nang matanong hinggil sa isyu.

“Napakahalaga na iyong nilalapitan naming LGU ay hindi 2022 ang tinitingnan. The pandemic has no political color. When we proposed this [COVID-19 response partnership] to City of Manila, nag-oo agad sila. Lahat ng suporta na kailangan namin, binigay nila. Nakakatuwa iyon,” ayon naman kay Robredo. (ANDI GARCIA)

The post ‘Drive-thru vaccination hub’ para sa trike, pedicab at delivery services drivers, binuksan sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Drive-thru vaccination hub’ para sa trike, pedicab at delivery services drivers, binuksan sa Maynila ‘Drive-thru vaccination hub’ para sa trike, pedicab at delivery services drivers, binuksan sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.