Facebook

Mahinang klase

DAHIL sa social media, nanalo si Rodrigo Duterte noong 2016. Pulu-pulutong ang mga dalubhasa umano sa pagkakalat ng mga fake news ang nagsama-sama at nagtulong-tulong upang ipanalo si Duterte. Bumaha ang santambak na fake news na pawang ipinagmamagaling na mahusay na lider ang alkalde ng Davao City. Mali ang balita sapagkat duwag si Duterte at ang kanyang katatapatan ay sa Tsina at hindi sa Filipinas.

Nabisto ang mga operator sa social media. Panandaliang kaluwalhatian ang hatid ng tagumpay ni Duterte sa halalan noong 2016. Hindi puede na kasangkapan ng mga buktot na operator ang social media. Sunod-sunod na galawan ang nangyari upang linisin ang social media. Hindi basta search engine ang social media. Kailangan haluan ng konsiyensiya sa kanilang papel sa lipunan. Hindi kasangkapan ang social media upang manipulahin ang publiko ng mga pulitiko na pawang mga walang budhi, ito ang atas.

Kinilala ng pamunuan ng Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang social media sites ang mga operator na ang tanging galing ay ang pagkakalat ng mga fake news. Nang malaman ang pagkikilanlan, tinanggal ang mga sites at account na nasa kanilang mga pangalan. Hindi iilang account ang tinanggal; umabot sa 42 milyon account ang nawala sa social media.

Hindi natapos ito sa tanggalan. Mas malupit ang ginawa ng mga pamunuan ng mga social media – itinayo ang fact check. May sumusuri na sa mga post na napapansin ng netizen. Naging fact checker ang Agence France Press, rapper.com, at VeraFiles Pinag-aaralan nila kung may batayan sa katotohan ang mga post na napapansin ng mga netizen. Kapag nadiskubreng peke at gawa-gawa lamang, idinideklara itong “fake news” at tinanggal ng walang kaabog-abog sa social media. Hindi na nakapamayagpag ang mga buktot na operator sa social media.

Hindi nakaporma ang mga operator noong halalan sa 2019. Wala silang mga silbi dahil hindi sila kailangan sa eksena. Sa Commission on Elections ang dayaan. Nagkaroon ng pitong oras na glitch at ng bumalik ang bilangan, nanalong bigla ang lahat ng kandidato ng administrasyon sa pag-senador tulad ni Bong Go, Bato dela Rosa, Lito Lapid, Bong Revilla, at iba pa.

***

HINDI na mangyayari ang nangyari noong 2015 at 2016 kung saan minanipula ng mga operator ang social media upang palabasin na isang miracle worker si Duterte na lulutas sa maraming suliranin ng bansa. Bistado na ang kanilang ginawa at alam na ito ng pamunuan ng social media. Dumating na ang maturity o punto ng kasukdulan ng pag-unlad ng social media. Hindi na ito magagamit ng sinuman na may baluktot na hangarin.

Hindi pumayag ang pamunuan ng social media na gamitin ang kanilang ipinundar upang palaganapin ang diwa ng populismo o awtoryanismo. Hindi sila pumayag na maging kasangkapan ang social media ng mga taong may tendensiya na maging diktador na aapi sa kanilang bansa at mamamayan.

Nakita ng mundo kung paano tinanggal ang account ni Donald Trump na kanyang ginagamit upang lasunin ang kaisipan ng mundo tungkol sa kanyang maling paniniwala. Tinanggal ng pamunuan ng Twitter, Facebook, at kahit ang konserbatibong YouTube ang kanyang account at wala na siyang magamit na kasangkapan sa pagpapahayag ng kanyang opinyon. Nagmukhang ibon na pinutulan ng pakpak si Donald Trump. Hindi na siya pinapansin.

***

Dito sa Filipinas, may mga kumakalat na balita na binigyan ng Department of Finance (DoF) ng kontrata si Nick Gabunada, isa sa mga operator ng fake news sa social media na tumulong kay Duterte noong 2016. Hindi malaki ang kontrata dahil hindi ito umabot sa isang milyong piso. Pero makikita na malaki ang problema ng DoF sa publiko.

Bagsak ang ekonomiya ng Filipino; napakarami ang walang trabaho at umaabot sa 12 milyon. Bagsak na bagsak ang koleksyon ng buwis at tinutustusan ng pangungutang ang malaking bahagi ng pambansang budget. Lampas P10 trilyon ang kabuuang utang ng gobyernong Duterte sa pagtatapos ng unang quarter ng 2021. Maaaring umabot sa lampas P12 trilyon ang kabuuang utang sa pagtatapos ng 2021.

Kapag umabot sa lampas P12 trilyon ang kabuuang utang ng national government, madodoble ang utang ng national government sa panahon ni Duterte. Wala sa P6 trilyon ang kabuuang utang ng national government nang umupo si Duterte noong ika-20 ng Hunyo, 2016.

Aabot sa P15 trilyon ang kabuuang utang ng national government sa pagtatapos ng gobyerno ni Duterte sa ika-30 ng Hunyo, 2022. Sa maikli aabot sa P9 trilyon ang inutang ni Duterte sa anim na taong termino upang patakbuhin ang kanyang gobyerno na walang ipinakita maganda sa sambayanan.

Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ni Gabunada ang mga ganitong katotohanan. Hindi siya magaling sa ekonomiya. Tanging fake news ang linya niya at hindi na kinakakagat ng tao ang fake news. Nakatsamba lang si Gabunada at hindi na ito mauulit.

***

MUKHA ang imahe publiko ni Sonny Dominguez, kalihim ng DoF, At Antonette Tionko, DoF undersecretary, ang may problema. Bigong economic manager si Dominguez dahil hindi niya maisalba ang ekonomiya ng Filipinas. Bigo si Tionko upang mapaunlad ang koleksyon ng buwis sa bansa. Maraming kaaway na kapitan ng mga industriya si Tionko. Walang tiwala sa kanya.

Hindi naming alam kung paano tutulong si Gabunada. Magkakalat ng fake news tungkol sa ginawa ni Dominguez na kapalpakan ng Filipinas. Babaligtarin ang katotohanan? Hindi kami kumporme. Basa ang kanyang papel sa bansa.

Si Tionko ay nabalitang nag-aambisyon na maging chairman ng Commission on Audit dahil magreretiro si Mike Aguinaldo sa 2022. Wala siyang nagawa na mabuti sa DoF kaya walang dahilan na ma-promote siya. Hindi kaya ni Gabunada ang hamon ng panahon.

***

MGA PILING SALITA: “Sinovac’s efficiency against the Delta variant is reportedly low. However do real data was provided by the manufacturer? However, from countries like Sychelles, Costa Rica, Bahrain, and now Indonesia, people who were vaccinated with Sinovac were said to experience a breakthrough infection. This means Sinovac does not offer full protection from the Delta variant. However, it does keep people from getting the worst effects of the Delta variant and it is unlikely that they would die from it nor will they end up being intubated. Sinovac blunts the effects of the Delta variant but it does not prevent from catching it. There are other considerations such as the persons existng health issues again the REAL issue with Sinovac and Sinopharm is the lack of real world data. if ever it does offer a minimal protection. If you are in a sitaution where you have no choice but to take Sinovac, then best take it as it will still protect you from the older variants of the covid 19.” – Chester Andrew Ong, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Mahinang klase appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mahinang klase Mahinang klase Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.