Facebook

Pagpihit sa mga pangyayari

DALAWANG angulo ang nagbabanggaang pangyayari sa nakaraang enkwento sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga komunistang-teroristang New People’s Army (NPA) sa Agusan province ng nagdaang linggo lamang.

Naunang naipihit ang angulo na ang mga napatay sa enkwentro ay mga magsasaka lamang, galing sa ulat ng ‘news outfit’ na di natin alam kung talagang mga mamamahayag o may kinikilingan. Maaari rin naman na sila ay sumisimpatiya talaga sa mga baluktot na hangarin ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) dahil halata namang iisang panig lamang ang kanilang kinuha at iniulat sa publiko ukol sa nasabing enkwentro.

Di ko tuloy mawari kung ang problema ay nagmula sa sumulat ng ulat o sa ‘editor’, o sadyang may sabwatan na nangyari sa pagpapalabas ng ulat. Pero sa ganang akin ang isang responsable at may galang sa sarili na ‘journo’ o mamamahayag ay hindi magpapabaya sa kanyang tungkulin, dahil lumalabas sa ulat na ito, ito ay gawa ng isang tamad na reporter o himpilan ng balita na hindi na tinumbok ang tunay na layon ng ulat.

Paano ka niyo? Ang ulat ay inilagay na ang lahat nang pagkakasala sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkaka-ulat na kulang sa basehan, di naihayag ng tama, at mas masaklap inere pa ang panig ng maka-kaliwang grupo upang itago ang katotohanan.,

Ang totoo ay nagkaroon ng enkwentro sa Prosperidad, Agusan Del Sur noong June 14, kung saan ang isang menor de edad na NPA na mandirigma o’ combatant ang narescue ng militar – ito ay pinangalanan na lamang bilang si “Wendy”. Siya ang nagbigay ng iba pang impormasyon at mga lugar na pinamumugaran ng mga NPA na dumukot at pumilit sa kanyang makipaglaban.

Agad itong pinuntahan ng mga tropa ng pamahalaan kung totoo ang mga impormasyon ni Wendy, na nauwi sa panibagong enkwentro sa Lianga at nagresulta sa pagkakapatay sa tatlong miyembro ng komunistang-teroristang samahan. Ulitin ko, ang impormasyon ay galing kay Wendy, ang menor de edad na narescue ng militar.

Sa nasabi kong ulat, napihit agad ang pangyayari dahil ikinover pa ng himpilan ang isang rally sa tapat ng Commission on Human Rights (CHR) kung saan isinama sa kanilang ulat na ang rally ay dahil sa mga napatay na mga magsasaka sa enkwentrong nabanggit. Hindi ba’t parang di nakita ng reporter at ng himpilan na i-style ito para makapanghingi ng donasyon sa mga banyagang organisasyon? Ang rally at ginawa niyong paguulat ay bagay lamang para sa ‘propaganda material’ ng CPP-NPA. DI BA NIYO NAHALATA?

Kung tunay talaga kayong mga journo, makikita niyo na ang talagang isyu sa pagrarally ay ang paggamit ng mga kabtaang IndigenousPeple (IP) galing din ng Mindanao at kinukuop sa loob ng University of the Philippine(UP) para maisali sa mga rally nang makita ng mga international donor ng mga organisasyong may kaugnayan sa CPP-NPA.

Hindi ba dapat ang takbo ng inyong ulat ay kung bakit may mga kabataang IP sa rally? Alam ba ng kanilang mga tribu o nang kanilang ng mga magulang at pamilya na ang kanilang mga anak ay gamit-na-gamit sa propaganda o ‘properganda” mga komunistang-terorista? Ganyang angulo ang dapat na iniuulat para sa larangan ng katotohanan at hustisya.

The post Pagpihit sa mga pangyayari appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpihit sa mga pangyayari Pagpihit sa mga pangyayari Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.