Facebook

Eleazar: Datos ng drug war ilalantad!

WALANG itatago ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at handang ilantad ang kanilang opisyal na tala para masusing masuri ang katumpakan ng operasyon ng kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag sa isang press conference ni PNP Director General Guillermo T. Eleazar, kailangan na lamang ang “go signal” ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año para pinal na madesisyunan ang paglalantad ng mga dokumento na may kaugnayan sa drug war operation ng PNP.

Ikinagalak naman ni Justice Department Secretary Menardo Guevarra ang pahayag na ito ni Eleazar. “Ngayon lang ito nangyari”, ang pagbubukas ng datos ng PNP para mabigyan ng laya ang DOJ na masusing masiyasat ang mga insidente ng madugong kampanya kontra-droga.

“What is significant right now is that the DOJ has been given free access, something that did not happen in previous years, thereby making our review rather difficult. If the PNP chief has said that the review panel may also review these other cases, we will be very happy to do so, as this is what we had wanted in the first place,” ang masayang pahayag ni Guevarra.

Ikinatuwa din ni Guevarra ang pahayag ni Eleazar na mabubuksan ng DOJ ang records ng mga napatay sa drug war.

Ayon kay pa kay Guevarra pumayag na si Eleazar na silipin ng DOJ ang 61 kaso kung saan nakitaan ng PNP-IAS ng pananagutan ang ilang pulis na sangkot.

Gayun pa man aminado si DOJ Undersecretary Adrian Sugay na hindi ganoon kadali ang proseso. “Yung 6,000 plus, we need to discuss first kung paano yung logistics nun. Baka nga sampling, we don’t know,” ani Sugay.

Sa panig naman ni Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, isang hamon sa liderato ni Eleazar ang pagpapabukas ng dokumento ng drug war para marepaso ng DOJ.

“If Eleazar is serious about these reforms, he should ensure the police’s full cooperation with investigators into the drug war killings and take more concrete steps to hold abusive officers accountable,” saad pa ni Conde.

Para patunayang walang itinatago ang PNP, ay handa si Eleazar na ipabusisi sa DOJ maging ang mga kasong naisampa laban sa mga miyembro ng kapulisan sa PNP Internal Affairs Service (IAS) na nagresulta naman ng pagka-abswelto ng mga police operative dahil sa kawalan o kakulangan ng ebidensyang iniharap ng pamilya ng biktima laban sa mga akusado.

Nilinaw pa ni Eleazar na kahit ang ibang kasong inimbestigahan ng PNP-IAS ay bubuksan din nila para sa DOJ.

“Kaya kami naman, wala naman kaming itinatago sa mga dokumento na ‘yan kaya ipapakita namin sa DOJ. But outside of [the] DOJ, nasa chain of command tayo, and we will seek guidance through the SILG (Secretary of the Interior and Local Government),” ang pagtiyak pa ni Eleazar.

Ang hakbang ni Eleazar ay inihayag nito sa harap ng paggiit ng nagretirong International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na maimbestigahan ang Administrasyong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa naging resulta ng kasalukuyang madugong kampanya ng pamahalaan kontra-droga at mga naganap na pamamaslang sa Davao City simula noong taong 2011-2016.

Iginigiit pa ni Bensouda na papanagutin at ipaaresto si Pangulong Digong kaugnay sa may mahigit sa 7,000 mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas sa gitna ng inilunsad na drug war ng PNP at ng iba pang awtoridad sa bansa.

Kinumpirma naman ni Eleazar na makikipagtulungan ang PNP para magkaroon ng malaya at parehas na pagsisiyasat ang DOJ at masilip ang mga iniuulat na mga kaso ng extra-judicial killings na kinasasangkutan ng ilang mga pulis.

“I assure our good Justice Secretary that the PNP has no tolerance for rogues, including those who may have committed unjustified killings in the course of anti-illegal drug operations, and that we are serious in cleansing our ranks,” pagtiyak pa ni Eleazar.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Eleazar: Datos ng drug war ilalantad! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Eleazar: Datos ng drug war ilalantad! Eleazar: Datos ng drug war ilalantad! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.