Facebook

Lolo namatay sa ‘sarap’ sa loob ng motel

HINDI marahil nakontrol ang labis na kasabikan at panggigigil sa babaeng kanyang ka-romansahan sa loob ng motel nang malagutan ng hininga ang isang matanda sa Cagayan de Oro, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Wildon Sobrado, 62 anyos, truck driver, ng Barangay Macabalan ng nasabing lungsod, habang pinaghahanap pa ang babaeng nakasama nito .

Sa report ng Divisoria Police Station, naganap ang krimen sa loob ng motel sa may Capistrano Pacana St. ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, pumasok ang biktima sa loob ng motel kasama ang isang babae na hindi pa nakikilala.

Matapos ang oras na kinuha ng biktima at kasama nito, nagtaka ang mga room boy na hindi pa sila lumalabas sa kanilang silid. Kaya napilitan buksan ang pinto ng silid at bumungad sa kanila ang nakaluhod pang biktima at wala nang buhay, habang wala na ang babaeng kasama nito na posibleng tumakas dahil sa takot.

Hinala ng mga otoridad, may ininom ang biktima na male enhancement pills at hindi nito nakayanan ang epekto na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

The post Lolo namatay sa ‘sarap’ sa loob ng motel appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lolo namatay sa ‘sarap’ sa loob ng motel Lolo namatay sa ‘sarap’ sa loob ng motel Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.