Facebook

Duterte, nagbantang mangangampanya laban kay Pacquiao kapag ‘di napatunayan ang akusasyon ng korapsyon

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na palalabasin niya na sinungaling si Senator Manny Pacquiao. Ito ay kung hindi mapatunayan ang alegasyon ng senador na ang kasalukuyang administrasyon ay tatlong beses na mas corrupt kumpara sa nakaraang administrasyon. Sa kanyang Talk to the Nation Address, hinamon ni Pangulong Duterte si Pacquiao na patunayan ang mga sinabi nito sa halip na mamulitika sa harap ng pandemya. Aniya, ilista ni Pacquiao ang mga tao at mga tanggapang sangkot sa korapsyon. Dapat ginawa ito ni Pacquiao noon pa at ibinigay sa kanya

PSG, NAGHAHANDA NA SA HULING
SONA NI PANGULONG DUTERTE

Samantala simula pa lamang noong Mayo, pinaghahandaan na ng Presidential Security Group (PSG) ang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG Chief Jesus Durante III, nagsagawa na sila ng pakikipagpulong sa kanilang counterparts.

Nakapag-ocular at site inspections na rin aniya ang PSG. Sinabi pa ni Durante na magkakaroon din ng simulation exercises kasama ang mga law enforcement at iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Ani Durante, tulad noong isang taon, hybrid SONA ang inaasahan kung saan susundin ang nakaraang template na ang ibang hindi makadadalo ay via video conference o Zoom at magkakaroon lamang ng kakaunting attendees sa mismong plenary. Prayoridad aniya ng PSG ang kaligtasan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi lahat ng dadalo sa huli nitong SONA sa darating na July 26,2021.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Duterte, nagbantang mangangampanya laban kay Pacquiao kapag ‘di napatunayan ang akusasyon ng korapsyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duterte, nagbantang mangangampanya laban kay Pacquiao kapag ‘di napatunayan ang akusasyon ng korapsyon Duterte, nagbantang mangangampanya laban kay Pacquiao kapag ‘di napatunayan ang akusasyon ng korapsyon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.