INANUNSIYO kamakailan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakahuli ng iba’t ibang yunit sa tatlumpo at isang katao dahil sa iligal na sugal sa iba’t ibang panig ng Quezon City.
Nangangahulugan lamang na minsan pang pinatunayan ng QCPD na pinamumunuanni Brigadier General Antonio Yarra simula nitong Abril.
Ang pagkakahuli sa 31 ay resulta ng malawakang operasyon ng QCPD laban sa illegal gambling sa lungsod.
Kapag binusisi ang ulat ng QCPD, madidiskubreng karamaihan sa mga nasakote ay nahuli dahil sa tupada, o iligal na sabong ng mga manok.
Mayroong ilan na cara y cruz ang kinasangkutan.
Pokaragat na ‘yan!
Kauna-unawa ang paghuli sa mga taong sangkot sa tupada dahil nakabatay ito sa direktiba ni General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang pambansang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Kung tupada at cary y cruz lang ang pinuntirya ng mga pulis sa Quezon City, malinaw na hindi ginalaw at hindi hinuli ang mga kubrador at empleyado ng isang alyas “Tisay”.
Pokaragat na ‘yan!
Ayon sa sources ng BIGWAS!, si alyas Tisay ay siyang nagpapatakbo ng bookies ng “EZ2” at bookies ng “lotteng” sa Quezon City.
Ang EZ2 at lotteng ay mga pasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kaya ligal nag mga ito.
Ngunit, ang bookies ng EZ2 at bookies ng lotteng ay siyang mga iligal dahil hindi ito nag-iintrega ng salapi sa PCSO at tahasang paglabag sa batas ang iligal na sugal.
Malakihan ang perang pinag-uusapan sa nasabing mga bookies kumpara sa tupada at cara y cruz, sapagkat pumapalo sa P300,000, o higit pa, ang kubransa ng alyas Tisay kada araw.
Dapat, kasama sa operasyon ng iba’t ibang yunit ng QCPD ang mga tauhan ni alyas Tisay, sapagkat kung hindi sila huhulihin at ikukulong, lalo na ang nasabing alyas Tisay, ay maaaring isipin ng publiko na “untouchable” ang naturang illegal gambling operator.
Pokaragat na ‘yan!
Obligadong maglabas ng direktiba si Yarra sa kanyang mga hepe ng iba’t ibang yunit ng QCPD laban sa mga kubrador at empleyado ng nasabing alyas Tisay upang huwag siyang akusahan, o pagdudahang nakatatanggap ng lingguhang tara.
Kailangang patunayan ni Yarra na hindi siya tulisan at korap na opisyal ng PNP.
Mayroon ding operator ng bookies ng EZ2 at bookies ng lotteng sa Lungsod ng Caloocan na kung tawagin ay “Tisay”.
Ang problema, manipis ang impormasyon ng sources ng BIGWAS! hinggil kay alyas Tisay.
Hindi nila matumbok kung ang alyas Tisay sa Caloocan at Tisay sa Quezon City ay iisang tao, o hindi.
Sobrang lakas ng pamamayagpag ng iligal na pasugal ni alyas Tisay sa Caloocan, ngunit nagtataka sila sa kawalan umano ng aksiyon si Colonel Samuel Mina, hepe ng pulisya ng Caloocan.
The post Alyas ‘Tisay’ na QC gambling operator, ‘untouchable’ sa QCPD? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: