Facebook

Palawigin BTA

SA pag-upo ni Totoy Kulambo sa puno ng Balite sa Malacanan nakitaan ng pag-asa ang kanaisan ng marami sa ating mga kapatid na Muslim na magkaroon at makamit ang tunay na katahimikan sa lugar na kanilang sinilangan bago pa man ang mga mananakop. Ilan sa mga hakbang na ginawa’y ang pagtatag ng batas tinatawag na ARMM. Subalit parang hindi naging matagumpay ito sa maraming kadahilanan tulad ng pagkakahati ng paniniwala hingil sa kapayapaan na ibig ng lahat sa lugar ng kapatid nating Muslim.

Subalit naging mailap ito lalo sa mga taong naghahasik ng kanilang laban sa lugar na ang kapayapaan ang nais. Marami sa mga ito ang nagpatuloy sa pagsulong ng pagkadismaya dahil hindi tuwiran ang pagkakaroon ng tahimik at mapayapang pamayanan. Sa pagsusumikap ng mga pinuno ng mga kapatid nating Muslim sa pangunguna ni Chairman Al-hajj Murad Ebrahin, naipasa ang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (OLBARMM).

Ang batas na nagbigay daan sa mas malawak na kapayapaan. Hindi lang basta simpleng kapayapaan, kalakip nito ang mailap na kaunlaran na matagal ng pangarap ng mga kapatid natin sa Mindanao. Malinaw ang tahakin, ang magkaroon ng mas malawak na kapayapaan at kaunlaran sa lugar na kanilang sinilangan.

Sa pagkakaroon ng OLBARMM, nagsimula ang mas malawak na sakop ng kapayapaan na nilalakipan ng pag-unlad. Tanggap ng mga kapatid nating Muslim na dadaan sa maraming pagsubok ang kapayapaan, subalit ang pagkabuo ng BARMM tila malinaw ang landasin sa pagtupad sa kapayapaan.

Kapayapaang makakamit nang may tiwala sa bawat isa, tiwala sa pamahalaan, tiwala sa mga grupong pumapasok sa usaping kapayapaan, at tiwala sa mga pamayanan na siyang nagdadala at nagsasabi na may magandang kaganapan at bunga sa mga kapatid nating Muslim sa Mindanao.

Sa pagsusumikap na ipagpatuloy ang kapayapaan sa lugar ng BARMM, umaapela ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na palawigin ang buhay ng batas ng pagkakalikha ng BARMM. Malinaw na malayo ang nararating ng usaping kapayapaan na ikinasisiya ng mga tao sa mga pamayanang ito. Bilang mga kinatawan ng Bangsamoro, ang pagkakaroon ng mga konsultasyon sa ibaba o sa mga pamayanan ang nagtulak sa mga kinatawan na umapela sa pamahalaan ng Pilipinas na palawigin ang batas.

Kailangan pa ng tamang panahon upang ang kapayapaa’y malakipan ng pag-unlad. Pag-unlad para sa lahat at di para sa iilan, pag-unlad na may pakinabang sa mga mamamayan. Sa mga konsultasyon, nakalap ng mga BTA na lubhang kumplikado ang kanilang ginagalawan hindi lang sa usaping kapayapaan maging ang sa kaunlaran. Nariyan ang usaping ekonomiya at paano malalapatan ng pag-unlad ang mga lugar na kinalakihan ng mga kapatid na Muslim ang makikinabang.

Tuloy-tuloy ang usapan sa pagsulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng BARMM. Nagsasabi o’ nagbibigay mungkahi ang mga lider sa mga pamayanan kung paano isasagawa ang mga gawaing kabuhayan sa lugar. Pinag-uusapan ang iba’t-ibang uri ng mga negosyo na maaring maitayo sa BARMM areas.

Sa pakikilahok ng mga lokal na lider sa mga usapin at konsultasyon, kahit hirap ang mga kinatawan ng BTA sa pagkumbinsi sa mga mamumuhunan lokal at dayuhan, sa nakitang pagbabago at pagtangap ng mga kapatid nating Muslim sa pag-unlad, tila may liwanag na sa dulo ng kweba. Ang bantulot na pagtanggap sa pagbabago at pag-unlad sa BARMM ay lumang kaisipan na lamang.

Sa husay ng mga tagapagpatupad ng batas ng BARMM, bukas palad na tinanggap ito ng mga negosyante, civic leader at nang balana na sabik na makita ang malakas na BARMM na puno ng sigla at ng pag-unlad sa pamumuhay ng ating mga kapatid na Muslim.

Sa ganang ito, kailangan maipagpatuloy ang mga naitanim na kapayapaan at pag-unlad sa lugar. Nag motorcade ang mga sumusuporta sa BTA extension na sumasalamin kung gaano kabukas sa pagtanggap ng mamamayan ng BARMM. Isang malaking hakbang na naipakita ng mga kapatid na Muslim na tuloy-tuloy ang kanais na maiangat ang kanilang pamumuhay..

Ang suportang pagpapalawig Batas sa Bangsamoro Organic Law ang tuwirang pagtitiyak ng kapayapaan sa BARMM at kalakip ang tunay na pag-unlad na ramdam ng kapatid natin sa BARMM areas. Ang mahigit isang milyong nagpakita ng interest at hindi pa kabilang ang mga nasa gilid ng mga kakalsadahan ang tunay na pulso ng mamamayan.

Sa mga mambabatas, ang tamang ramdam sa kaganapan ang siyang pairalin sa pagkakataong ito. Maraming panahon na ang lumipas na naging mailap ang kapayapaan sa lugar. Ang usapin sa pagpapalawig ng organic law ay hindi lang usapin ng kapayapaan, kaakibat nito ang pag-unlad ng lugar na sinimulan na ng mga kinatawan ng BTA..

Ang kailangan ay ayudang batas upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga negosyante na mamuhunan sa BARMM areas sapagkat ang karahasan sa lugar ay isa na lamang kasaysayan. Isang malaking hakbang na ginagawa ng BTA ang matamo ang kapayapaan sa lugar na “war zone.” At ang pag-akyat sa isa pang antas na pangarap ng BARMM, ang kaunlaran para sa lahat at ang kapayapaa’y nariyan sa kanilang kamay.

Sa paghingi ng pagpapalawig ng BTA, maipagpapatuloy ang kaunlaran sa lahat. Palawigin ang Kapayapaan na May pag-unlad…

Maraming Salamat po!!!

The post Palawigin BTA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Palawigin BTA Palawigin BTA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.