Facebook

Engr. ng DPWH nalitson sa sunog

NASAWI ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Dumalag, Capiz nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Engr. Edimar Alba, 43 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Dumalag Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng biktima na nasa Barangay Poblacion, at mabilis na kumalat hanggang sa kalapit na mga bahay.

Natagpuan na lamang ng awtoridad ang biktima sa loob ng banyo at wala na itong buhay.

Sa eport, tatlong bahay ang naabo at dalawa ang bahagyang nasunog.

Umabot sa P300,000 ang inisyal na halaga ng mga nasunog na ari-arian.

The post Engr. ng DPWH nalitson sa sunog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Engr. ng DPWH nalitson sa sunog Engr. ng DPWH nalitson sa sunog Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.