Facebook

‘Dyoga’ ng dalagita lumaki ng 20 kilo nang magkaregla!

MABIGAT na problema ang kinakaharap ng 12- anyos na dalagita nang biglang lumaki ng sobra ang kaniyang dibdib nang magsimulang reglahin sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa ulat, tumitimbang ng 20 kilos ang dibdib ng dalagitang si Yumi.

Sa edad ni Yumi, dapat baby bra pa ang isinusuot, pero sa kasalukuyan ay 40 DDD Cup na ang bra nito na mahirap hanapin.

Sa kaniyang taas na 4′ 9,” mabigat na dalahin para kay Yumi ang kaniyang malaking dibdib, na nagdudulot sa kaniya ng pananakit ng likod.

Hindi na rin siya makapaglaro tulad ng karaniwang bata.

Bukod sa tinutukso, mayroon pang ilang kalalakihan na nagbabastos kay Yumi.

“Ayaw ko po kasing maranasan ’yung naranasan ni Mama. ’Yung mama ko po kasi, nakaranas na siya na minamanyak siya ng ibang lalaki. Ayaw ko po na magawa sa akin iyon,” saad ni Yumi.

Nakatira si Yumi sa kaniyang tiyahin, habang nasa Taytay naman ang kaniyang inang si Maricel na isang guro.

Ayon sa kaniyang tiyahin na si Grace, nagsimulang lumaki ang dibdib ni Yumi nang magsimulang reglahin ito noong nakaraang taon.

Sa isang larawan, makikita si Yumi na hindi pa malaki ang dibdib nang ipagdiwang nito ang ika-11 kaarawan.

Ayon sa tiyahin ni Yumi, lumalaki ang dibdib nito sa tuwing nagkakaroon ng “buwanang dalaw”.

Nang magpasuri si Yumi sa duktor, napag-alaman na mayroon itong kondisyon na “juvenile gigantomastia” o abnormal na paglaki ng kalamnan.

Maaari naman operahan si Yumi ngunit kailangan nila ang P600,000 hanggang P1,000,000 na halaga.

Kabilang sa maaaring gawin sa dibdib ni Yumi ang bawasan o kaya naman tuluyan nalang itong alisin at lagyan ng artificial implants.

Nais sana ni Maricel na mabawasan ang dibdib ng anak, pero si Yumi, handang ipatanggal nalang ang kaniyang dibdib upang hindi na bumalik ang paglaki nito.

The post ‘Dyoga’ ng dalagita lumaki ng 20 kilo nang magkaregla! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Dyoga’ ng dalagita lumaki ng 20 kilo nang magkaregla! ‘Dyoga’ ng dalagita lumaki ng 20 kilo nang magkaregla! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.