Facebook

Tsekwa na nahuli sa P251m shabu, nakunan pa ng P102m shabu sa condo sa Malate

ARESTADO ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national sa ikinasang anti-illegal drug operations kungsaan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa Malate, Manila.

Kinilala ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang naaresto na si Chen Zhinzun/Yu Sison Tabuen alyas Ryan/ Chen.

Ayon kay Eleazar, hinalughog ng pinagsanib na pwersa ng PNP-DEG, PDEA, PNP, AFP TF NOAH, NICA at Manila City Hall SMART sa pamamagitan ng search warrant mula sa sala ni 2nd Vice Executive Judge Carolina Icasiano-Sison ng RTC Branch 18 ang kuwarto ni Chen sa Unit 1605, Royal Plaza Twin Tower, Remedios St., Malate, Manila.

Sa nasabing operasyon nasa 15 kilo ng shabu ang nasamsam na na nagkakahalaga ng P102 million.

Sinabi ni Eleazar na kilalang distributor ang suspek ng illegal drugs sa NCR at karatig rehiyon.

Naaresto si Chen sa isang buy-bust operation noong June 13, 2021 sa isang parking lot sa Parañaque City, kungsaan nakuha sa kanya ang 37 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P251 milyon. (Mark Obleada)

The post Tsekwa na nahuli sa P251m shabu, nakunan pa ng P102m shabu sa condo sa Malate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tsekwa na nahuli sa P251m shabu, nakunan pa ng P102m shabu sa condo sa Malate Tsekwa na nahuli sa P251m shabu, nakunan pa ng P102m shabu sa condo sa Malate Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.