Facebook

7-anyos itinali sa puno at ginahasa ng kapitbahay

ISANG pitong taon gulang na babae na nagpaalam na mangingisda ang itinali sa maliit na puno at pinagsamantalahan ng 26- anyos na kapitbahay sa Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat, batay sa salaysay ng biktima, dinala siya sa liblib na lugar at itinali sa puno at pinagsamantalahan noong Biyernes.

Nagawang makatakas ang biktima at kaagad na nagsumbong sa kaniyang ina.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpaalam ang biktima na mangingisda kasama ang kapatid na lalaki.

Pero ang anak na lalaki lang ang nakauwi kaya nag-aalala ang ina at hinanap ang anak na babae.

Nakita ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang tali na pinaniniwalaang ginamit ng salarin sa krimen.

Nakita rin sa lugar ang pang-ibabang saplot ng biktima.

Sa pagsusuri ng medico-legal, positibong ginalaw ang bata.

Nahuli ang salarin kinalaunan pero itinanggi niya ang paratang laban sa kaniya.
Nakakulong ngayon ang salarin na nahaharap sa kasong ‘Rape’.

The post 7-anyos itinali sa puno at ginahasa ng kapitbahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7-anyos itinali sa puno at ginahasa ng kapitbahay 7-anyos itinali sa puno at ginahasa ng kapitbahay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.