Facebook

Lider ng NPA sa Samar timbog sa Maynila

TIMBOG ang isang lider ng communist terrorist group (CTG) sa Eastern Samar sa operasyon sa Maynila na ikinasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinilala ang nadakip na si Rodel Mabahin alias ‘Ka Rico’, 21 anyos.

Ayon kay Major General Vicente Danao Jr., pinuno ng NCRPO, tinuturing si Mabahin na number 6 most wanted person sa Samar.

Sinabi ni Danao na nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyong nakalap sa kanilang surveillance unit kungsaan ito nagtatago. Sanib-persa ang mga tauhan ng NCRPO at Calbiga Municipal Police(MPS) sa pagdakip kay Mabahin nitong Lunes sa kanto ng A. H. Lacson Ave. at Jocson St., Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman na may warrant of arrest si Mabahin sa kasong carnapping with violence/intimidation, serious illegal detention, robbery, at theft sa Calbiga, Samar Regional Trial Court (RTC) Branch 33, at Calbiga-Hinabangan, Samar 7th Municipal Circuit Trial Court (MCTC).

Sinabi ni Danao na tumakas si Mabahin mula sa Calbiga MPS noong 2019 at tangay ang matataas na kalibre ng baril, bala, mga cellphone at motorsiklo bago nagtago sa Metro Manila ng dalawang taon.

Kilala rin bilang ‘Kumander Didit’ si Mabahin na platoon lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Eastern Samar.

Kumuha rin ito ng medical sniper at bomb-making courses at sangkot sa operasyon ng NPA hit squad na kilala na “Special Partisan Unit” (SPARU) sa Samar simula 2015. (Jocelyn Domenden)

The post Lider ng NPA sa Samar timbog sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng NPA sa Samar timbog sa Maynila Lider ng NPA sa Samar timbog sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.