Facebook

Kuwentong kutsero: Operator ng kalesa patay sa kapwa operator

PATAY ang isang operator ng kalesa nang pagbabarilin ng kapwa operator na napikon sa kanilang asaran sa Tondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Arsenio dela Cruz, 63 anyos. At ang salarin ay kinilalang si Enrique Calila, 55. Nangyari ang insidente sa Barangay 91.

Ayon kay Manila Police District Homicide Section chief, Lieutenant Adonis Aguila, nag-ugat ang insidente nang magkapikunan ang biktima at si Calila tungkol sa “kare-kare”.

Umalis si Calila at pagkabalik nito ay binaril ang biktima ng dalawang beses.

Tumakas si Calila at nakita sa CCTV na kasama nito ang isang lalaking nakilalang si Mark Lester Isavedra.

Nag-check in ang dalawa sa isa isang hotel sa Rizal Avenue kanto ng Tayuman upang magtago subali’t sumuko rin si Calila makalipas ang isang araw.

Sasampahan ng kasong Homicide si Calila, samantalang ‘obstruction of justice’ ang kasong haharapin ni Isavedra.

The post Kuwentong kutsero: Operator ng kalesa patay sa kapwa operator appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kuwentong kutsero: Operator ng kalesa patay sa kapwa operator Kuwentong kutsero: Operator ng kalesa patay sa kapwa operator Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.