Facebook

Utak sa 2 bus bombings sa Cotabato tiklo

ARESTADO ang utak sa pambobomba at panununog ng bus sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang naaresto na si Ali Akbar, bomb expert at miyembro ng Dawlah Islamiyah Hassan group, at residente ng Barangay East, Patadon, Kidapawan City.

Ayon kay 602nd Brigade commander Brig. Gen. Roberto Capulong, tumanggap sila ng intelligence report sa lugar kung saan nagtatago si Ali. At sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng 602nd Infantry Brigade,90th Infantry Battalion katuwang ang 72nd Infantry Battalion, Kidapawan City PNP at 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company naaresto ang suspek sa tahanan nito.

Sa report, may warrant of arrest si Ali sa kasong double murder at multiple frustrated murder mula sa sala ng RTC 12 Branch 23, North Cotabato.

Si Ali ang itinurong utak sa pambobomba sa Yellow Bus line noong Enero 27, 2021 at panununog sa isang YBL sa M’lang Cotabato noong Hunyo 3, 2021 na ikinasawi at ikinasugat ng maraming buhay.(Mark Obleada)

The post Utak sa 2 bus bombings sa Cotabato tiklo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Utak sa 2 bus bombings sa Cotabato tiklo Utak sa 2 bus bombings sa Cotabato tiklo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.