Facebook

PASYENTE NABURYONG SA SEKYU BINARIL-PATAY

NASAWI ang isang guwardiya nang barilin ng pasyente na naburyong sa loob mismo ng Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Arturo Budlong, 37 anyos, binata, security guard ng Achievers Security Agency Phil. at nakatira sa Tolentino Apt., Kalye 7, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City. At ang namaril na pasyente ay kinilalang si Mark Anthony Galivo.
Sa ulat, sinita ni Budlong si Galivo dahil labas-masok ito sa kanyang kuwarto nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report, nairita si Galivo sa paninita ng guwardiya kaya nang makatiyempo ito, inagaw ang nakasukbit na baril ni Budlong at pinaputukan ito sa dibdib.

Agad namang nakatawag ng responde ang ospital. Pinasusuko ng mga operatiba si Galivo pero sa halip na sumuko, nagpaputok muli ng baril sa mga pulis dahilan para gantihan ito at tinamaan sa kanang ibabang bahagi ng tiyan at kaliwang paa.

Kinumpirma ni Police LtCol. John Guiagui, hepe ng MPD Station 3, na binawian ng buhay ang guwardiya 9:20 ng umaga nitong Martes.

Ayon kay Guiagui, na-admit sa naturang ospital si Galivo Hunyo 18 ng 5:00 ng hapon nang magtangka itong mag-suicide. (Jocelyn Domenden)

The post PASYENTE NABURYONG SA SEKYU BINARIL-PATAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PASYENTE NABURYONG SA SEKYU BINARIL-PATAY PASYENTE NABURYONG SA SEKYU BINARIL-PATAY Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.