Facebook

BENEPISYONG LIBING SA MGA KATUTUBONG LIDER NAISULONG NI GO

Nilagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang matagal nang isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go na pagbibigay ng death at burial benefits sa indigenous peoples mandatory representatives (IPMR) sa mga barangay na mamamatay sa panahon ng kanilang mga termino o panunungkulan.

Bago pa man kumandidato si Go sa pagiging Senador nitong 2019 ay pinangungunahan na niya ang panawagan noon na mabigyan ng tulong ang mga katutubong lider sa mga barangay bilang pagkilala sa naging panunungkulan ng mga ito sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“Kinokomendahan ko po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 18 ng Executive Order No. 139 na nagbibigay ng awtoridad sa pagbibigay ng death at burial benefits sa Indigenous Peoples Mandatory Representatives o IPMRs sa mga barangay. Malaki po ang maitutulong at maidudulot nito sa mga kababayan nating katutubo, lalo na sa mga pamilya ng kanilang mga lider, sa gitna ng kasalukuyang pandemya,” pahayag ni Go.

Ang Executive Order No. 139 na nilagdaan ni Pres. Duterte ay nag-aatas sa Department of the Interior anf Local Government gayundin ng Department of Budget and Management at ng National Commission for Indigenous Peoples para sa paglalaan ng kabuuang halaga upang magamit sa IPMRs death and burial benefits.

Bunsod nito, ang EO 139 ay nagsasaad na ang compensation ay alinsunod sa itinatakda ng Implementing Rules and Regulations ng Repiblic Act No. 8371 o ang Indigenous Peoples Right Act. Batay sa isinasaad ng legislation, ang Indigenous peoples representatives sa lahat ng policy-making bodies at local councils ay kailangang may patas na karapatan bilang regular members ng legislative at policy-making bodies na kanilang kinabibilangan.

Noong 2019 ay inirekomenda ni Go sa Office of the President ang mabigyan ng P3,000 Christmas incentives sa mga elected barangay official kabilang na ang IPMRs bilang pagkilala sa dedikasyon ng.kanilang panunungkulan sa kani-kanilang.mga komunidad.

“Wala po kaming ibang hangarin ni Pangulong Duterte kundi ang kabutihan ng bawat Pilipino dahil mahal namin kayo,” pahayag ni Go.

Inaasistehan din ni Go ang indigenous communities na apektado ng pandemic at nitong May 20 ay nagkaloob din ito ng asiste sa indigenous communities, dating mga rebelde at mga magsasaka sa Mati City, Davao Oriental na dumanas ng kahirapan dulot nh COVID-19 pandemic.

Nagpahayag din si Go na susuportahan ang pagpapagawa ng Masandag Tribal Village sa Tagum.City, Davao del Norte para sa maayos na pabahay sa 400 members ng indigenous groups sa lugar at sa karagdagang asiste sa IP community.

“Sa wakas, matutupad na rin ang pangarap ng ating mga kapatid na Lumad na magkaroon ng sariling bahay, at inyo na talaga itong mga bahay,” pahayag ni Go sa kaniyang video message sa naging ceremonial Memorandum of Agreement signing, turnover of checks at groundbreaking ng tribal village housing noong May 19.

Inihayag din ni Go na ang proyekto ay patunay sa Duterte Administration at ng buong sosyedad para sa pagsuporta sa mga.komunidad na naapektuhan ng pandemic at sa kaseguruhan na walang Filipino ang mapag-iiwanan tungo sa pagbangon at progreso.

Inihain din nito ang Senate Bill No. 391 o ang Magna Carta for Barangays na naglalayong higit pang mapalakas ang mga barangay, kilalanin ang mabigat nilang gampanin bilang country’s basic political unit at frontliner sa paghahatid ng government services.

Ang Magna Carta for Barangays ay magmamandato para sa pagbibigay ng salary, emoluments at allowances sa mga Punong Barangay, members ng Sangguniang Barangay, Chairperson ng Sangguniang Kabataan, Barangay Secretary at Barangay Treasurer bilang mga regular government.employees.

Sinusoportahan din ni Go ang pagpapaliban ng 2019 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 2022.., na ikinatuwiran nitong ang susunod na mahalal na President at mga bagong barangay official ay magkaroon ng pagkakataong ang mga ito’y magkatuwangan sa mga programang dapat mailunsad.

Ang bill sa pagpapaliban ng election sa December 3, 2019 ay nilagdaan ni Duterte bilang batas sa ilalim ng Republic Act No. 11462.

The post BENEPISYONG LIBING SA MGA KATUTUBONG LIDER NAISULONG NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BENEPISYONG LIBING SA MGA KATUTUBONG LIDER NAISULONG NI GO BENEPISYONG LIBING SA MGA KATUTUBONG LIDER NAISULONG NI GO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.