Facebook

Maanomalyang public bidding ng Philippine Ports Authority, ibinunyag ni Cong. Umali

Pina-iimbestigahan ni Oriental Mindoro 2nd district Congressman Alfonso Umali sa kamara ang maanomalyang public bidding ng Philippine Ports Authority.

Kasunod na rin ito nang inihaing resolusyon ni Umali para sa joint inquiry in aid of legislation ng committee on good governance and public accountability at committee on transportation sa anomalya sa bidding sa pagtatayo ng limang pantalan sa bansa.

Ayon kay Umali, nalugi ang gobyerno ng halos P1. 3 billion sa public bidding na hindi napapanahon base sa mga probisyon sa ilalim ng bagong terminal leading and management rules and regulations.

Sinamantala aniya ng mga opisyal ng PPA ang kanilang posisyon at impluwensya para paboran ang isang korporasyon at i-award dito ang kontrata sa konstruksyon ng mga nasabing pantalan at nawalan din ng trabaho dahil sa public bidding ang tinatayang 11,000 manggagawa.

Subaybayan!
PANGAKONG RESOLBAHIN ANG PROBLEMA NG KURYENYE SA MINDORO, JOKE LANG?!

ISANG malaking JOKE ang naging pahayag at pangako ng nooy Bise Gobernador na ngayon ay Gobernador Humerlito “Bonz’ Dolor noong siya ay manumpa noong 2019:

Sabi niya sa harap ng maraming tao na:

“Magbilang tayo, kapag nakaranas ang Oriental Mindoro ng labin dalawang (12) brownout sa loob ng isang taon na kapabayaan at kapalpakan nila… mga bokal, I will ask you to pass a resolution asking NEA and DOE to takover the ORMECO.!

May isa pang alternatibo, pagkatapos ng resolusyon na yun, we will request DOE to clear Oriental Mindoro as under service area at sa ilalim ng bagong batas na pinasa ng kongreso bago matapos ang termino nila, may karapatan na ang ibang franchise holders na pumasok at magbigay ng bagong kalidad na serbisyo sa ating lalawigan. Kaya mga kababayan, abangan natin.”

Tututukan natin ang isyu at pangakong ito ng punong lalawigan kaya wag bibitiw!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Maanomalyang public bidding ng Philippine Ports Authority, ibinunyag ni Cong. Umali appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maanomalyang public bidding ng Philippine Ports Authority, ibinunyag ni Cong. Umali Maanomalyang public bidding ng Philippine Ports Authority, ibinunyag ni Cong. Umali Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.