Facebook

Estudyante bumigay sa ‘txt message’ scam

ISABELA – Isang estud-yante ang maluha-luhang nagsumbong sa pulisya matapos nabiktima ng ‘text message’ scam nang makatanggap ng mensahe na na-nalo umano ito ng P750,000.00 sa bayan ng Riena Mercedes, Isabela.

Kuwento ni “Lhea”, 18 anyos, noong una ay hindi nito pinansin ang tawag mula sa ‘unknown number’ dahil nakagawian, aniya, ang hindi pagsagot sa mga hindi kilalang numero.

Ngunit sa paulit-ulit na tawag ay napilitan na siyang sagutin ito hanggang sa sabihan siya ng isang nagpakilalang ‘Ruldan Lopis dela Cruz’ na nanalo siya ng nasabing halaga ng pera.

Bago pa man i-claim ang naturang halaga ng pera ay humingi ng pabor ang Ruldan Lopis dela Cruz na padalhan siya ng load na P450.00 at P750.00 na ginawa naman ng dalaga.

Ayon sa biktima, hindi pa dito natapos ang transak-syon niya sa scammer. Muli, kinailangan aniyang magpa-dala siya ng pera para sa processing fee na umabot sa ka-buuang P6,850.00.

Hindi, aniya, siya labis na nag-isip na ‘scam’ na ang nangyayari sa kanya dahil napaniwala siya na kilala ng lalaki ang kanyang ina kaya’t nagtiwala siya.

Masakit para sa dalaga ang nangyari dahil inutang lamang niya ang P8,000 na ginamit sa transaksyon para makuha lamang ang nasabing malaking halaga na umano’y napanalunan niya.

Nagpaalala si Police Maj. Christopher Danao, hepe ng Riena Mercedes Police Station, na maging mapanuri at huwag basta maniwala lalo sa mga hindi kakilala at wala naman sinalian na uri ng papremyo tulad ng ganitong modus.(Rey Velasco)

The post Estudyante bumigay sa ‘txt message’ scam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Estudyante bumigay sa ‘txt message’ scam Estudyante bumigay sa ‘txt message’ scam Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.