Facebook

Sison may pananagutan sa pagkamatay ni Kieth Absalon

INIHAYAG ng National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCA) na may pananagutan si Jose Maria Sison at iba pang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pagpatay kina Kieth, 21 anyos; at Nelven Absalon, 40; na mariing kinondena ng kanilang mga pamilya, civil society groups, human rights defenders at peace advocates.

Sa lingguhang ‘Meet the Press Forum’ ng National Press Club, sinabi ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director of the Presidential Human Rights Committee Secretariat at tagapagsalita rin ng NTF-ELCAC sa larangan ng human rights, peace process at international engagements, na lahat ng lider ng CPP-NPA-NDF lalo na si Sison ay may personal na pananagutan sa pagpatay sa mga Absalon sa ilalim ng International Humanitarian Law at ng mga domestic law.

“Atin tinutukoy ang Geneva Convention (IV) at Additional Protocols covering civilian protection, and Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,” paglilinaw ni Catura.

Matatandaang inako ng NPA ang pagkakapatay sa mga Absalon noong Hunyo 6 sa Masbate City nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine na kanilang itinanim sa daanan ng mga biktima na nagbibisikleta lang 6:00 ng umaga.

Ang paggamit at paggawa ng mga APM, kabilang na ang mga tinatawag na improvised explosive devices ay pinagbabawal dahil hindi nito nakikilala kung sino ang mga sibilyan at combatants.

Ang Armed Forces of the Philippines ay nakapagtala na ng 141 insidente ng paglikha, pag-iingat, pagbiyahe at paggamit ng mga bombang ito ng NPA na nakapinsala at nakapatay na ng mga 30 sibilyan.

“Base sa mga paglalahad ng mga nahuli at nagsisuko ng mga rebelde, ang CPP-NPA-NDF ay patuloy sa paggawa, pag-iimbak, pagbiyahe at paggamit ng mga ipinagbabawal na mga APM, dahil may basbas dito ang mga lider ng CPP gaya ni Sison, Luis Jalandoni, Juliet De Lima-Sison at iba pang mga pinuno ng NDFP, kaya malaki ang pananagutan ng mga ito sa mga nabiktimang sibilyan, gaya ni Kieth Absolon,” ang sabi ni Catura.

“Mapalad tayo dahil meron din tayong domestic law na RA 9851na nakaangkla rin sa IHL. Ang batas na ito na nilagdaan noong 2009, ang magpapabigat ng kaso laban kina Sison et al, na maaaring isampa sa mga tamang hukuman sa bansa upang mailatag ang mga pananagutan ng mga isasakdal,” paliwanag pa ni Catura.

Ang Section 10 ng RA 9851ay nagsasaad na ang “superior shall be criminally responsible as a principal for such crimes committed by subordinates under his/her effective command and control, or effective authority and control as the case may be, as a result of his/her failure to properly exercise control over such subordinates.”

“Hindi na mahalaga kung si Sison o iba pang lider ang nag-utos sa mga NPA na patayin sina Absalon, o mayroon man silang kinalaman sa pagpapasabog o pag-atake. Hindi man sinasaad ng batas ito, ang mahalaga ay maihabla at mapanagot sila bilang principal o mga lider ng grupo ng terorista,” paliwanag pa ni Catura.

Noong 2002, ang US State Department ay naglabas ng Executive Order No. 13224 na pinangangalanan si Sison na isang nang terorista bilang ulo ng CPP-NPA na idineklara nang isang terrorist organization.

The post Sison may pananagutan sa pagkamatay ni Kieth Absalon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sison may pananagutan sa pagkamatay ni Kieth Absalon Sison may pananagutan sa pagkamatay ni Kieth Absalon Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.