Facebook

Utol ni Sawadjaan ng ASG patay sa engkwentro

TODAS ang nakababatang kapatid ng teroristang si Mundi Sawadjaan, ang utak ng 2020 Jolo twin blasts, sa isang engkwentro sa pagitan ng militar sa Jolo, Sulu.

Kinilala ang mga napaslang na sina Al-Al Sawadjaan, ASG sub-leader Injam Yadah, isa pang miyembro ng ASG na si alias Raup, at hindi pa nakikilalang miyembro nito.

Samantala, naaresto naman sa operasyn ang asawa ni Yadah na si Jhing.

Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest na ipinalabas ng korte laban kay Yadah.

Nabatid na sangkot si Yadah sa serye ng kidnapping ng mga dayuhan kabilang ang ex-wife at ama ni dating Talipao Mayor Tambrin Tulawie noong 2018.

Sangkot din ito sa pagkidnap kay Rex Triplett sa Sirawai, Zamboanga Sibugay at Dr. Moreno sa Jolo noong 2020. Sangkot din siya sa pagdukot sa ilang Indonesian nationals na nasagip kamakailan.

Samantala, si Al-Al Sawadjaan naman ay isang volunteer suicide bomber at Improvises Explosive Device maker. (Mark Obleada)

The post Utol ni Sawadjaan ng ASG patay sa engkwentro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Utol ni Sawadjaan ng ASG patay sa engkwentro Utol ni Sawadjaan ng ASG patay sa engkwentro Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.