Facebook

Bgy. kapitan pinaaaresto sa nangyaring kasalan

PINAAARESTO ang kapitan ng barangay sa nangyaring kasalan San Mariano, Sta. Marcela, Apayao.

Kinilala ang opisyal na si Bobby Daquioag, 52 anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Sa report, lumabag si Daquioag sa RA 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula kay Sta. Marcela Mayor Evelyn Martinez kaugnay sa pagpayag ng kapitan na magdaos ng kasal sa tahanan ng nagngangalang Eddie Corpuz sa naturang barangay.

Nagpadala ng kuhang larawan ang alkalde kungsaan makikita ang dami ng dumalo na mahigpit na ipinagbabawal upang makaiwas sa banta ng Covid-19.

Sa pagsagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad, nakumpirma sa ilang saksi ang nangyaring selebrasyon, kungsaan kabilang sa mga dumalo ang mismong kapitan ng barangay.

Kinumpirma ng alkalde na hindi siya nagbigay ng anumang clearance o permit na magsagawa ng selebrasyon sa kabila ng nasa MECQ ang buong lalawigan ng Apayao. (Rey Velasco)

The post Bgy. kapitan pinaaaresto sa nangyaring kasalan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kapitan pinaaaresto sa nangyaring kasalan Bgy. kapitan pinaaaresto sa nangyaring kasalan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.