Facebook

Pekeng empleyado ng BI tumangay ng P110K sa dayuhan, arestado

SA kulungan ang bagsak ng isang babae nang magpanggap na empleyado ng Bureau of Immigration at singilin ang dayuhan niyang biktima ng P110,000 para sa mabilis na pagproseso ng visa.

Kinilala ang dinakip na si Melinda Pandey, 57 anyos.

Sa ulat, mapapanood sa isang video na nagkita sina Pandey at ang complainant sa isang coffee shop sa tapat ng immigration sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.

“Nagpanggap na aktuwal na immigrations employee, and because of this marami siyang napaniwala kasama itong complainant natin na nagpo-process ng kaniyang dokumento at nagbigay ng pera sa ating subject,” sabi ni Palmer Mallari, hepe ng NBI Anti-Fraud Division.

Ayon sa biktima, nakausap niya si Pandey para sa pagproseso ng kaniyang 9G visa o pre-arranged employment visa para sa mga dayuhan.

Sa halagang P50,000 hanggang P60,000 lang ang dapat na singil pero humingi si Pandey ng P110,000 para mapabilis ang pagproseso.

Nobyembre ng 2020 pa naibigay ng dayuhan ang pera pero puro pangako lang ang kaniyang nakukuha hanggang ngayon mula kay Pandey, kaya hindi siya nakauwi sa kanilang bansa nang mamatay ang kaniyang ina.

Todo-depensa naman si Pandey sa akusasyon.

Ayon kay Mallari, sasampahan nila si Pandey ng Estafa sa ilalim ng Revised Penal Code.

The post Pekeng empleyado ng BI tumangay ng P110K sa dayuhan, arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng empleyado ng BI tumangay ng P110K sa dayuhan, arestado Pekeng empleyado ng BI tumangay ng P110K sa dayuhan, arestado Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.