Facebook

Bgy. kagawad, drug pusher sa Iloilo

ARESTADO ang isang kagawad ng Barangay sa buy-bust operation sa Barangay Abilay Norte, Oton, Iloilo.

Nabilhan ng isang sachet ng shabu sa halagang P5,000 ang kagawad ng Barangay Talaba sa Badiangan na hindi pa pinangalanan.

Bukod dito, nakuha rin mula sa kagawad ang 15 iba pang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000, dalawang baril at mga bala.

Itinuturing na high-value target ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 6 ang kagawad na nagsu-supply ng droga sa lungsod ng Iloilo at kalapit na mga probinsiya.

Ayon sa PDEA 6, sangkot din ang kagawad sa robbery hold-up at gun-for-hire.

The post Bgy. kagawad, drug pusher sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad, drug pusher sa Iloilo Bgy. kagawad, drug pusher sa Iloilo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.