Facebook

8 anyos ni-rape, bangkay nang lumutang sa ilog

WALANG buhay, may sugat sa ulo at posibleng ginahasa pa ang isang walong taon gulang na babae na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Nasugbu, Batangas.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima noong Miyerkoles, Hunyo 9. Wala na itong suot na underwear at nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kaniyang ulo.

Sinabi ng mga awtoridad na posibleng hinampas muna sa ulo ang biktima bago sinakal.

Ayon sa isang saksi, huli niyang nakita na buhay ang bata ala-una ng hapon ng Hunyo 8. Kasama nito ang isang kapitbahay, suspek, na naglalakad sa ilog.

Dinakip ang kapitbahay sa follow-up operation.

Hinihintay pa ang medico-legal findings para matukoy kung ginahasa ang biktima.

The post 8 anyos ni-rape, bangkay nang lumutang sa ilog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
8 anyos ni-rape, bangkay nang lumutang sa ilog 8 anyos ni-rape, bangkay nang lumutang sa ilog Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.