Facebook

Epekto ng nasunog na barko sa Ilog Pasig sinusuri

NAGSASAGAWA ngayon ng water sampling ang Philippine Coast Guard (PCG) Marine Environmental Protection Command para masuri ang epekto ng nasunog na cargo vessel sa katubigan ng Delpan Bridge, Tondo, Manila nitong Sabado.

Maliban dito, naglatag rin ang PCG ng absorbent pads para masala ang makakapal na ‘oil sheens’ sa bahagi kung saan lumubog ang barkong MV TITAN 8.

Sa report, 8:00 ng umaga ng Sabado nang magliyab ang cargo vessel lulan ng mga drum ng gasolina at ilang tripulante kungsaan anim ang sugatan at may iniulat na nawawala.

Nadamay din ang ilang bahay sa tabig ng ilog nang anurin ang mga drum na nasusunog.

Mahigit pitong oras ang sunog na umabot sa ikalimang alarma bago ito tuluyang naapula. (Jocelyn Domenden)

The post Epekto ng nasunog na barko sa Ilog Pasig sinusuri appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Epekto ng nasunog na barko sa Ilog Pasig sinusuri Epekto ng nasunog na barko sa Ilog Pasig sinusuri Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.