Facebook

GOLDEN MOMENTS KAY PSC CHAIRMAN RAMIREZ

MIRACLE of 2005.Nakamit ng Team Philippines ang napakahirap na misyong maging overall champion ng Southeast Asian Games na ini-host ng bansa matapos ungusan ng ga-buhok ang powerhouse Indonesia para sa titulo.

Pinuno ng Philippine Sports Commission si Chairman William Ramirez noon na siyang may timon sa lahat ng pangangailangan ng ating mga pambatong atleta magmula sa preparasyon hanggang training local at abroad tungo sa aktuwal na kumpetisyon enroute to mission possible na kampeonato pangkalahatan.

Sa kanyang termino bilang PSC Chairman naging mabunga rin ang kampanya ng bansa noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.

Matapos siyang bumalik sa kanyang balwarte sa Davao upang tumulong sa administrasyon ni Alkalde Rodrigo Duterte, biglang nagbago ang ihip nv hangin sa national political scene.

Nahalal na pangulo ng bansa si Mayor Duterte. Balik din sa eksenang nasyunal si Ramirez.

Ninombrahan siya ni PDigong bilang PSC Chairman muli at buhos ang suporta ng Pangulo para sa ikasusulong ng pambansang palakasan sa kumpas ni Chair Butch.

Nitong nakaraang 30th SEAGames Philippines 2019 ,muling nag-overall champion ang Pilipinas at sa pagkakataong ito ay di na isang milagro dahil komprehensibong pinaghandaan ito ng PSC sa liderato ni Ramirez, Philippine Olympic Cimmittee sa pamumuno ni Cong.Bambol Tolentino,Philippine SeaGames Organizing Committee (PHISGOC) sa timon ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Senate Committe on Sports head Senator Bong Go at op kors sa direktiba ni PRRD at suporta ng lahat ng konsernadong Pilipino para sa ‘Win as One’ na mission accomplished.

Another golden moment para sa sports leader na si Chairman Ramirez.Ngayon ay nakapokus ang Philippine sports sa misyong mapitas na ang kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada.

Kahit na dinaranas natin ang hirap na dulot ng pandemya, sa pagsisikap ng PSC na kalingain ang ating Olympic- bound athletes kaagapay ang POC, malaki ang optimismo ng sambayanan na darating na ang ginintuang sandali ng katotohanan-ang buwenamanong Olympic gold sa Tokyo sa susunod na buwan. Sa ating mga cream of the crop na Olympians, tiyak na sino man sa kanila ay magde-deliver ng gintong medalya para sa sambayanang Pilipino at ito ay magaganap , muli sa panahon ni Chairman Ramirez at legasiya ng administrasyong Duterte. Tunay na may ‘lucky charm’ na kaakibat ang pamumuno biglang lingkod- bayan itong si Chairman..Olympic Gold para sa bayan ni Juan mula sa Japan..ABANGAN!

Lowcut:Belated birthday greetings kay SisJaja Ronquillo-Laguna B1024F12 at kay Sis. Michelle Manas .Welcome kina Sis Ethyl Opay,Sis.Princess Opay Salve.Kina Bros and Sisters Carl Krisha,Joel Soliman,Henry Matias ng North Caloocan.Kudos to Sis Maria Teresa Abad diyan sa Queensland,Australia, kay Sis Katherine dela Cruz- choir member ni Pastor Bro .Roger Yadao,also to bros. Joseoh Amasan, Tirso Vinuya,,Raul at Junar Paccarangan,Tirso Nicolas,Jenny Duldulao,Roel Demape Herrera,Lee Mahignay,Henry Matias,Justine Benedicto,Albert Ng,Marilou Ladera dela Cruz,Nilda Flores,Benedict Laborte,John Alexis Baguio,Riza Canizal,Elmer Villegas,Eddie Maglente, at Bual clan.Mabuhay Founder Doc Chito Collantes M2!4B1024,Sis Lingling Adora,Supremo Elias Dematera, Bro Armando Quimirista ng Golden Dale Foods,Sis Marilou Villanueva at MUG NC APQ.

The post GOLDEN MOMENTS KAY PSC CHAIRMAN RAMIREZ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GOLDEN MOMENTS KAY PSC CHAIRMAN RAMIREZ GOLDEN MOMENTS KAY PSC CHAIRMAN RAMIREZ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.