Facebook

Ex-kapitan, tanod kinatay ng 2 kapitbahay

PINATAY ang isang dating punong barangay at tanod nang batuhin ng mga ito ang bahay ng kanilang kapitbahay sa Sigma, Capiz.

Kinilala ang mga nasawi na sina Isidro Jeroso Sr., 59, dating barangay kapitan; at barangay tanod na si Mario Marzan 44, kapwa ng Barangay Mangoso, Sigma, Capiz.

Naka-hospital arrest naman ang salarin na si Crisaldo Belarmino, habang tinutugis ang isa pang salarin na si Antonio Villan Jr. na mabilis tumakas matapos ang pagpaslang sa dalawa.

Sa report ng Sigma Municipal Police Station, naganap ang krimen Huwebes ng gabi sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, parehong nag-iinuman ang mga salarin at biktima sa kani-kanilang bahay nang bigla na lamang may nambato sa bahay ni Belarmino.

Dahil dito, tumigil ang inuman nina Belarmino at Villan saka inabangan kung sino ang nambato sa bahay hanggang sa nakita nila si Marzan na papasok sa bahay ni Jeroso na may bitbit na itak.

Ayon sa live-in partner ni Belarmino na si Jewel, tinanong lamang ng kanyang kinakasama at ni Villan si Marzan kung bakit nila binato ang bahay.

Sa halip na sumagot ang biktima, tinangka sila nitong tagain kaya agad na pumasok ng bahay ang mga salarin at isinara ang pinto. Subalit pilit itong binubuksan ni Marzan kasama si Jeroso.

Napilitan narin kumuha ng itak ang mga salarin at pagpasok ng dalawa ay nauwi ito sa tagaan hanggang sa mapuruhan sina Jeroso at Marzan, sugatan naman si Belarmino.

Kaagad dinala sa ospital sina Jeroso at Marzan peropatay na ito nang dumating sa pagamutan.

The post Ex-kapitan, tanod kinatay ng 2 kapitbahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-kapitan, tanod kinatay ng 2 kapitbahay Ex-kapitan, tanod kinatay ng 2 kapitbahay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.