ISABELA – Himas-rehas ang isang diumano’y apo ni yumaong President Ferdinand Marcos na itinuturing na ‘Top 3 most wanted person’ sa kasong panggagahasa dito sa lalawigan.
Sa ipinarating na ulat ni Police Major Christopher Danao, hepe ng Riena Mercedes; kay Colonel James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office; ang dinakip ay nakilalang si Ritchie Marcos, 32 anyos, ng Barangay Turod, Reina Mercedes.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Sitio Lanuza Purok, 7 Bgy. Turod, Riena Mercedes. Walang inirekomendang piyansa sa kaso. (REY VELASCO)
The post ‘Apo’ ni Macoy kulong sa rape appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
‘Apo’ ni Macoy kulong sa rape
Reviewed by misfitgympal
on
Hunyo 04, 2021
Rating:
Walang komento: