Facebook

2 nasawi na nakauniporme ng ‘Eagles’ miembro ng kidnap/robbery group

CAMP VICENTE LIM – Hinihinalang miyembro ng robbery/kidnapping group ang dalawang napatay na lalaki sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) Silangan Exit, Cabuyao City, Laguna, Huwebes ng hapon.

Nakikilala lamang sa narekober na Identification Card ang dalawang napatay sa “engkuentro” na sina Cayetano Raquel at George Laparan Jr.

Tumatayo umanong Vice President ng ‘Maagap Pasay Metro Eagles Club’ si Raquel, habang si Laparan ay kaanib nito batay sa suot nilang uniporme.

Sa ulat, alas-2:10 ng hapon nang maganap ang insidente.

Sa ipinalabas na ulat ni NCRPO Director, BGen. Vicente Danao, nagkasa ng operation ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal na operasyon ng mga napatay sa lungsod ng Paranaque.

Sinasabing nakatakdang kidnapin at pagnakawan ng mga napatay ang isang Chinese national sa Paranaque City. Natunugan ng mga awtoridad ang mga suspek na lulan ng kulay puting Toyota Grandia (WQT-786) habang patungo sa lungsod ng Calamba, kungsaan nauwi sa mahabang pagtugis at engkwentro.

Nakorner ng tumutugis na operatiba ang sasakyan ng mga suspek at nagkaputukan.
Binawian ng buhay sa loob mismo ng sinasakyang van ang dalawang suspek na natadtad ng mga bala ang ulo at katawan.

Narekober ng pulisya sa mga napatay ang dalawang kalibre 9mm na baril, iba’t ibang personal ID, PNP badge at P1.3 milyong cash.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.(Dick Garay)

The post 2 nasawi na nakauniporme ng ‘Eagles’ miembro ng kidnap/robbery group appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 nasawi na nakauniporme ng ‘Eagles’ miembro ng kidnap/robbery group 2 nasawi na nakauniporme ng ‘Eagles’ miembro ng kidnap/robbery group Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.