DINAKIP ng mga elemento ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis at apat na kasamahan nito sa pangongotong sa mga cargo truck sa Apalit, Pampanga, Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang mga inaresto na sina Police Corporal Leomar Calegan, 37 anyos, ng Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga; Marlon De Guzman, 39, ng Danga, Colgante; Menard Mendoza, 32, ng Sta Lucia Matua, Masantol, Pampanga; Michael Maniulit, 50, ng Muzon, Colgante, Apalit; at Noel Manarang, 23, ng San Vicente, Apalit, pawang nakatalaga sa Truck Ban Traffic Mgt. Office sa Apalit.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, 12:30 ng madaling araw nang isinagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng PNP-IMEG Luzon Field Unit sa tapat ng gas station sa Quezon Road, Mc Arthur Highway intersection San Simon exit sa Apalit.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng mga cargo truck operator sa pangongotong ng mga suspek sa tuwing dadaan ang kanilang mga truck para hindi na maabala sa tuwing dumadaan sa checkpoint.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang P500 marked money na nakalagay sa foodpack, ID cadd sa mga traffic enforcer, PNP ID, cal 9mm pistol, 2 magazine, 30 bala kay Calegan, at P804,170 cash.
Nakakulong ngayon ang mga kotongero sa tanggapan ng IMEG-LFU at nakatakdang sampahan ng mga paglabag sa RA 3019, Anti Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standard for Government Employee; at Roberry extortion.(Mark Obleada)
The post Pulis, 4 traffic enforcers kulong sa pangingikil sa mga cargo truck appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: