Facebook

3 FRONTLINERS PATAY SA SINUNOG NA BUS

NASAWI ang tatlong pasahero nang masunog ang isang bus sa bahagi ng national highway sa Bialong, M’lang, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Johnny Roy Ramil at Hazel Gallardo ng Poblacion Bialong; at Arnold Patron, La Esperanza, mga taga-Tulunan, Cotabato.

Sa report ng M’lang Police Station, 4:00 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa gilid ng kalsada na sakop ng Bgy. Bialong.

Binabaybay ng Yellow Bus Lines Incorporated (YBL) na may body number A-104 na naghahatid- sundo ng frontliners na galing Kidapawan City nang may pumara. Tapos biglang nagsaboy ng gasolina at mabilis na sinindihan ng apoy.

Mabilis na nagbabaan ang mga pasahero subali’t inabot ang tatlong biktima ng apoy at na-trap sa loob ng bus, sanhi ng kanilang kamatayan.

Nagtamo ng minor burns sa katawan ang ilan sa pasahero na agad dinala sa ospital.

Hinala ng pamunuan ng bus, rebeldeng NPA ang responsable sa panununog dahil sa pangingikil ng mga ito.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

The post 3 FRONTLINERS PATAY SA SINUNOG NA BUS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 FRONTLINERS PATAY SA SINUNOG NA BUS 3 FRONTLINERS PATAY SA SINUNOG NA BUS Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.