Facebook

Covid update: 7,450 bagong kaso; 2,382 gumaling; 181 nasawi

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 7,450 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Hunyo 4.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,382 na gumaling at 181 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (60,794) ang aktibong kaso, 93.4% (1,173,006) na ang gumaling, at 1.72% (21,537) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 2, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 2.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 7,450 bagong kaso; 2,382 gumaling; 181 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 7,450 bagong kaso; 2,382 gumaling; 181 nasawi Covid update: 7,450 bagong kaso; 2,382 gumaling; 181 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.