Facebook

PNP sinimulan na ang paggamit ng body camera sa police operation

SINIMULAN na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng body cameras sa kanilang mga operasyon.

Umaasa si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa paggamit ng mga body worn camera ay mababawasan na ang posibleng pag-abuso ng pulis gayundin ang pagbibigay proteksyon sa mga pulis sa tunay na pangyayari sa isang police operation.

“The procurement and eventually the use of Body Camera Worn System is a tribute not only to Kian delos Santos who died of police abuse in Caloocan City but also to the policemen whose ultimate sacrifice in the line of duty were tainted by claims of extra-judicial killings, planting of evidence and other unfair allegations,” ani Eleazar.

Aniya, ang mahalaga dito ay masisiguro ng mga BWCs na walang paglabag sa Police Operating Procedures o sa karapatang pantao na magaganap bilang proteksyon ng ating mga kababayan. Magsisilbing proteksyon na rin ito ng ating mga kapulisan laban sa mga malisyoso at maling paratang.

Ayon kay Eleazar na mayroon ng 2,696 units ng body cams ang ikinalat sa 171 city police station sa bansa kung saan prayoridad munang bigyan ang mga istasyon ng pulisya sa National Capital Region (NCR) at malalaking lungsod.

Sinabi ni Eleazar na nasa 623 police personnel ang kanilang nasasanay sa ngayon sa paggamit ng mga body camera sanhi ng pandemic na covid-19 at tuloy-tuloy naman ang kanilang gagawin training sa iba pang personnel.

Ang mga body camera ay gagamitin sa mga anti-illegal drugs operations, service of search at arrest warrants, hostage rescue operations, high risk check/chokepoints operations, security operations, pagsisilbi sa court order, at malalaking events katulad ng darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Linggo at National at Local elections.

Ipinaliwanag ni Eleazar na ang body camera ay maaring magamit at mag-record ng walong oras katumbas sa isang shift ng isang pulis.

Patuloy naman nakikipag-ugnayan ang PNP sa Korte Suprema para sa input ng mga guidelines sa paggamit ng body cameras. (Mark Obleada)

The post PNP sinimulan na ang paggamit ng body camera sa police operation appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP sinimulan na ang paggamit ng body camera sa police operation PNP sinimulan na ang paggamit ng body camera sa police operation Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.