Facebook

Gen. Francisco at LtCol. Ibay, umani ng papuri

Congratulations sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa magagandang trabaho nito kelan lang.

Sa pamumuno ni MPD Director PBGen. Leo Francisco at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakasabat ng 38 kilo ng shabu na may street value na P258 milyon ang pulisya, mula sa isang condominium unit sa may Remedios Street, Malate, Manila.

Ang nabanggit na trabaho ay isang follow-up operation ng mga awtoridad matapos ang pagkakahuli kay Sy Zhunchen sa Paranaque, Las Pinas noong nakalipas na Linggo. Sa nasabing operasyon ay nakasamsam ang pulisya ng may 155 kilos shabu nang ito ay gawin sa Imus, Cavite.

Ayon kay Francisco, naganap ang operasyon pasado alas-12 ng tanghali kung saan nakuha ang shabu sa van at sa loob ng condominium na pag-aari ni Zhunchen.

Matagal na umano ang operasyon sa iligal na droga ni Zhunchen, na akala mo ay player lang sa casino at hindi drug lord.

Sinalakay ng mga awtoridad ang condomnium unit bitbit ang search warrant at nakitang nakalagay pa sa mga pakete ang mga nasamsam na shabu.

Sinabi ni Francisco na ito ang pinakamalaking huli nila sa panahon ng pandemya.

Agad na kinasuhan ang suspect sa piskalya ng Maynila at kasabay niyan ay nagbabala si Francisco na hindi nagpapahinga ang MPD sa pagsawata ng iligal na droga sa lungsod, ayon na rin sa tagubilin ni Mayor Isko Moreno.

Samantala, ito namang grupo ng MPD- Special Mayor’s Reaction Team (SMART) na pinamumunuan ni Lt.Col. Jhun Ibay ay dinakip ang Chinese-Filipino na negosyante at kinilalang si James Chua, 35, dahil sa pagbebenta daw ng ‘vaccination slot.’

Si Chua ay nahuli sa isang entrapment operation na pinangunahan ni Maj. Jake Arcilla sa kanto ng Cuneta Avenue at F.B. Harrison sa Pasay City.

Nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ni Bernie Ang, Secretary to the Mayor ng Maynila, ukol sa bentahan ng ‘vaccination slot’ online.

Isang delivery at pick-up rider ang inimbestigahan dahil ito umano ang inuutusan ng suspek na kumuha ng pera sa mga Chinese nationals na nakatira sa Binondo. Bilang delivery boy, iniisip nito na ang mga kinukuha niyang pera ay bahagi ng negosyo ni Chua.

Hanggang sa napag-alaman niyang bayad pala ito para makasingit sa bakunahan ng isinasagawa ng Manila Health Department.

Muli, kina Gen. Francisco at Lt. Col. Ibay, congratulations sa magagandang trabaho sa gitna ng pandemya. Sana lahat ng pulis ay kasing-sipag at galing ninyo.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Gen. Francisco at LtCol. Ibay, umani ng papuri appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gen. Francisco at LtCol. Ibay, umani ng papuri Gen. Francisco at LtCol. Ibay, umani ng papuri Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.