Facebook

GIGA VACCINATION CENTER SA PASAY CITY

MAS pinaigting pa ang vaccination program ng pamahalaang lungsod ng Pasay laban sa COVID-19 sa tulong ng mga dumating na maraming doses ng bakuna.

Tuloy-tuloy ang operasyon sa The Galleon na matatagpuan sa SM Mall of Asia (MOA) Complex na isa sa pinakamalaking vaccination sites sa bansa.

Ayon kay CITY MAYOR IMELDA “EMI” CALIXTO-RUBIANO, ang “Giga Vaccination Center” ay tinatayang may kapasidad na 2,000 indibidwal kada araw.

Kung hindi ako nagkakamali, target din nitong mabakunahan ang 14,000 katao bawat linggo upang mapabilis ang pag-abot ng herd immunity.

Pahayag naman ni DRA. BOBBIT TY ng CITY UNIVERSITY OF PASAY (CUP), araw-araw ay dinadagsa ng mga tao ang mass vaccination sa MOA.

Patunay aniya ito na tumataas ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakunang nakukuha ng gobyerno.

Ang maganda pa rito, gaano man daw karami ang tao ay maayos na naitatawid araw-araw ang vaccination sa mahusay na pamumuno ni DRA. RHODORA ALDEA PIMLOT at iba pa.

Wala ring patid ang suporta at tulong na ibinibigay ng Pasay LGU sa programa sa pangunguna nina MAYOR CALIXTO-RUBIANO, CONG. TONY CALIXTO at VICE-MAYOR BOYET DEL ROSARIO.

Ang masipag na si CONG. JOEY CALIXTO ISIDRO ay lagi ring bumibisita sa vaccination hub upang matiyak ang mga tulong na dapat ibigay habang solido rin ang suporta rito nina COUN. TONYA CUNETA, COUN. GRACE SANTOS, COUN. ALLAN PANALIGAN, COUN. MARLON PESEBRE, at iba pang local leaders.

Saludo rin po tayo sa grupo ng mga volunteer workers mula sa CUP sa pangunguna nina DR. ROSANIE ESTUCHE, VP ADMIN WOODY RIVERA, at DEAN IRIS CASTILLON.

Lalong hindi matatawaran ang ambag ng volunteer group ng city university sa pangunguna nina DRA. TY na talagang napaka-energetic at sobrang sipag simula pa nang umarangkada ang vaccination drive kung saan kasama rin sa walang pagod na tumutulong ang mga guro at propesor na kinabibilangan nina DR. RENO CONTAYOSO at PROF. JON-JON SOLANGON.

Patuloy naman ang paalala ng mga eksperto sa mga magpapabakuna na sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa virus.

Nananawagan din ang mga frontliners sa mga nais magpaturok ng bakuna na magtungo sa mga vaccination sites sa iba pang mga oras para maiwasan ang siksikan.

Wala rin namang humpay ang pasasalamat ng mga Pasayeños sa mga nasabing volunteers at health workers sa kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa panahon ng krisis na ito.

Tandaan na nakasalalay sa tagumpay ng bakuna kontra COVID-19 ang tiwala dito ng mga mamamayan bilang instrumento sa pagpapanatili ng magandang antas ng pampublikong kalusugan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God Bless!

* * *

AT para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post GIGA VACCINATION CENTER SA PASAY CITY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GIGA VACCINATION CENTER SA PASAY CITY GIGA VACCINATION CENTER SA PASAY CITY Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.