Facebook

Go inayudahan ang mga ‘jobless’ sa SoCot

UPANG tulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay nitong nakalipas na Biyernes, Hunyo 18, daan daang manggagawa na nawalan ng trabaho sa Polomolok, South Cotabato ang binigyan ng tulong ng Office ni Senator Christopher “Bong” Go at tiniyak ng senator ang patuloy na tulong at programa at inisyatibo upang matulungan ang mahirap na komunidad na naapektuhan ng pandaigdigang krisis ng pandemya.

Nabatid na ang team Go’s ay nagpatupad ng mahigpit na safety and health protocol habang isinasagawa ang pamamahagi ng tulong sa Brgy. Cannery Site Gymnasium, habang 310 beneficiaries, ang nakinabang na binubuo ng 220 batang workers at 90 retrenched workers mula sa Dole Fresh Philippines, na tumanggap ng COVID-19 essentials, kabilang ang pagkain, masks,face shields, at vitamins, mula sa Senator’s staff.

Ayon pa sa mensahe ni Sen. Go ilang sa benipisaryo ay tumanggap ng bagong pairs ng sapatos, bisekta bilang sasakyan dahil sa limitadong public transportation.

Bilang karagdagan nito ilang sa recipients ay binigyan ng computer tablets ng Go’s team upang makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak sa klase sa ilalim ng blended learning approach.

Kaugnay nito sa video message ng Senator kinilala nito ang ilang mga government agencies na nagbibigay ng suporta sa mga beneficiaries at iba pang apektadong sector bases sa umiiral na assistance programs. Binigyan diin nito ang mas marami pang inisyatibo ng gobyerno upang matulungan ang mga komunidad sa panahon ng pambansang krisis.

Nabatid pa sa mensahe ng senator na kailangan ang pang araw-araw na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development na siyang nagbibigay ng beneficiary kabilang ang financial assistance mula sa kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Kaugnay nito ang lahat ng mga manggagawa na nawalan ng hanapbuhay ay bibigyan ng kompensasyon matapos silang gumawa ng community work mula sa Department of Labor and Employment’s Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program.

“Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at kailangan din po ng disiplina po ng bawat Pilipino habang nagbabakuna tayo. Mask, face shield, social distancing at hugas po ng kamay, kung hindi naman kailangan huwag munang umalis ng pamamahay,” ayon kay Go. (Boy Celario)

The post Go inayudahan ang mga ‘jobless’ sa SoCot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Go inayudahan ang mga ‘jobless’ sa SoCot Go inayudahan ang mga ‘jobless’ sa SoCot Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.