Facebook

King and Queen Club sa Pasay, minamanmanan!

KAHIT umano nasa ilalim ng isang health emergency o pandemic ang bansa dahil sa Covid-19,patuloy umano sa operasyon ang isang untouchable night club sa siyudad ng Pasay.

Makailang beses na rin natin ibinulgar ang underground operation nito ilang buwan na ang nakararaan kahit pa nga noon ay nasa strict community quarantine pa ang Metro Manila.

Kung yaong ibang club ay pinamamahayan na ng mga sapot ng gagamba at makapal na alikabok,nananatiling business as usual ang King and Queen Club na ang dating business name ay Titan Z.

Nasa Hobbies Macapagal Boulevard ang lokasyon ng club na ito na isang dura lamang ang layo sa gusali ng GSIS kung saan naroroon ang Senate of the Philippines.

Katabi rin ng bastos na club na ito ang isang simbahan.

Sa zoning protocol pa lamang ay malinaw na may violation na agad ang establisimiyentong ito.

Minsan na rin pinuntahan ito ng mga tauhan ng Pasay PNP Station 1 at napatunayang mayroon ilang kababaihan doon ang naka-stay in.

Alibi ng mananagement ng club,nalockdown dahil sa pandemic ang mga batang batang mga kababaihan.

Por diyos por santo namang alibi yan na pinatulan naman ng Pasay PCP 1 operatives.

Gaya ng dati bukas ang King & Queen sa kanilang mga kalalakihang kostomer kahit mahigpit pang ipinagbabawal ang pag-o-operate ng mga ganitong negosyo kahit modified GCQ na ang Merto Manila.

Kahit pa nga walang pandemic,bawal pa rin ang main opisyo ng King and Queen Club dahil nagke-cater sa prostitution.

Yes po,flesh trade po ang mismong operasyon ng club na ito na sa back entrance o sa kitchen door sa likod pumapasok ang mga kostomer.

Sarado po ang main entrance ng club pati na ang light signages nito upang di mahalata ang kanilang illegal na operasyon.

Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay ng mga protektor ng club cum putahang ito.

Tingnan natin kung kaya ngang sanggain ng isang mataas na opisyal ng Pasay LGU ang King and Queen Club.

Kawawa naman ang chief of police ng Pasay PNP sakali ngang mapatunayan at ma-raid ang putahang ito.

Ibig sabihin lamang nito,natutulog sa pansitan si COP.

Bilhin naman kaya ni PNP chief,Gen.Guillermo Eleazar ang alibi ng COP ng Pasay PNP na wala siyang kaalam-alam sa mga katarantaduhan nagaganap sa loob ng King and Queen Club.

Walang kabulukang di sumisingaw! Walang bahong di umaalingasaw!

To top it all,no one is above the law kahit pa nga elected official ka ng isang maunlad na lungsod gaya ng Pasay.

May kasunod na kabanata.

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post King and Queen Club sa Pasay, minamanmanan! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
King and Queen Club sa Pasay, minamanmanan! King and Queen Club sa Pasay, minamanmanan! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.