Facebook

GRO sumusko na sa sex, sinaksak ng kostumer

SA halip na pera ang ibayad ng isang parokyano, sinaksak nito ang isang babaeng commercial sex worker nang mabitin sa sex sa Bacolod City.
Kinilala ang biktima na si Jedda Atayan, 37 anyos, nakatira sa nasabing lungsod.
Sa report ng Bacolod Police Station 6, dakong 10:50 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang krimen sa loob ng Taculing Court sa Bgy. Taculing ng naturang lungsod.
Ayon kay Police Major Leo Estopa, station commander ng Bacolod Police Station 6, pumasok ang biktima at ang lalaki sakay ng tricycle sa naturang motel.
Kuwento ng biktima, nakailang ‘putok’ na ang salarin kaya siningil na niya ito ng bayad, subali’t humiling parin ito ng isa pa.
“Hindi ko na po pinagbigyan, dahil masakit na po ang ari ko, hanggang sa kumuha na lang siya ng screw driver at pinagsasaksak ako sa iba’t ibang parte ng katawan,” pahayag ng biktima.
Ayon naman sa room boy, nagulat na lamang siya at mabilis na sumakay sa kanyang tricycle ang salarin at sinasabing ang biktima na lamang ang magbabayad ng kanilang kuwarto sabay humarurot at binangga pa ang gate.
Kaagad naman tinungo ng room boy ang silid ng dalawa at bumulaga sa kanya ang duguang biktima.
Dinala sa ospital ang biktima.
Sinusuri na ng pulisya ang CCTV ng motel para sa pagkakakilanlan sa salarin at agaran ikadarakip nito.

The post GRO sumusko na sa sex, sinaksak ng kostumer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GRO sumusko na sa sex, sinaksak ng kostumer GRO sumusko na sa sex, sinaksak ng kostumer Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.