Facebook

Humanda sa mga bagyo — Bong Go

NAGPAALALA si Senator Christopher “Bong” Go sa mga komunidad na paghandaan ang tag-ulan at paparating na mga bagyo tulad ng pag-iimbak ng maiinom at makakain, gayundin ang pag-alam sa mga ligtas na lugar na maaaring matakbuhan.

“Paghandaan po natin nang husto ang mga bagyo at sakuna. Maghanda tayo ng emergency supplies, gaya ng tubig at pagkain, at alamin natin kung saan ang mga safe na lugar na pwede tayong mag-evacuate,” sabi ni Go sa kanyang video message nang magsagawa ng relief operation ang kanyang tanggapan sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa flash floods sa Enrique B. Magalona town sa Negros Occidental.

Namahagi ang grupo ni Go ng makakain, food packs, vitamins, masks at face shields sa tinatayang 3,510 pamilya mula sa Barangays Tanza, Alicante, Damgo, Tabigue at Latasan noong Lunes.

Ginawa ang aktibidad sa pamamagitan ng grupo-grupo para maseguro na ang health at safety protocols ay estriktong nasusunod.

May mga binigyan ng bisikleta at pares ng sapatos para may magamit sa pagpasok nila sa trabaho. Ang ilan naman ay nakatanggap ng computer tablets para sa kanilang mga anak na mag-aaral.

Pinuri ng senador ang local officials ng lalawigan dahil sa kanilang mga paghahanda laban sa mga pagbaha at sakuna.

Nangako si Go na patuloy niyang susuportahan ang Negrenses at sa katunayan ay naipasa niya sa Senado ang panukalang mag-eestabilisa sa Bacolod City General Hospital.

Suportado rin niya ang bagong Level II water supply system sa Enrique B. Magalona; ang maintenance ng Sum-ag – Abuanan Road sa Bago City at ang Bacolod South Old Road at Bacolod South By-Pass Road sa Bacolod City; ang pagkokonkreto sa local roads sa San Carlos City, Pontevedra at Toboso at ang konstruksyon ng tulay sa Himamaylan City.

Hinimok niya ang mahihirap at indigent beneficiaries na i-avail ang serbisyo ng Malasakit Center sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City.

“Lapitan lang ninyo ang Malasakit Center para sa mga pangangailangan niyong pangkalusugan. Para ito sa lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong sa pampagamot,” sabi ni Go. (PFT Team)

The post Humanda sa mga bagyo — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Humanda sa mga bagyo — Bong Go Humanda sa mga bagyo — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.