LABIS ding naapektuhan ng pandemya, binigyan ng iba’t ibang klase ng ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga persons with disabilities (PWDs) na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development Central Office sa Quezon City.
Umaabot sa 68 PWDs na nawalan ng kabuhayan dulot ng COVID-19 pandemic ang inayudahan ng tanggapan ni Sen. Go sa DSWD central office.
Sa kanyang mensahe, pinayuhan ni Go ang mga benepisyaryo na patuloy na sundin ang government-issued health protocols, gaya ng pagsusuot ng masks at face shields kapag nasa pampublikong lugar, bukod sa regular na paghuhugas ng kamay, pag-obserba sa social distancing at pag-iwas sa mga biyahe na hindi naman talaga kailangan.
Ngayong umusad na ang national vaccine program sa A4 category, sinabi ni Go na prayoridad ng pamahalaan ang indigents at iba pang vulnerable sectors na kabilang sa A5 category.
“Mga kababayan ko, magtiwala ho kayo sa gobyerno, magtiwala ho kayo sa bakuna. Ang bakuna po ang solusyon o susi natin para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay. At kailangan po dagdagan natin ng kooperasyon at disiplina po ng bawat tao,” ani Go.
“May special lane rin po ito para sa mga senior citizens at PWDs para hindi kayo mahirapan sa pagkuha ng tulong mula gobyerno para sa inyong pagpapagamot,” idinagdag ng senador ukol sa Malasakit Center. (PFT Team)
The post Mga may kapansanan, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: