Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na siya at ang mga government agencies ay patuloy na aasiste sa mga panahon ng krisis tulad ngayong COVID-19 pandemic ay nagkasunog pa kamakailan sa isang lugar sa Olongapo City na hinatiran ng katulungan ang mga pamilyang naapektuhan.
“Kahit anumang problema ang inyong hinaharap—sunog, lindol, baha, pagputok ng bulkan o kahit anong klaseng krisis—handa kaming tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Huwag kayo mawawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno na palaging nagmamalasakit sa inyo,” paniniyak ni Sen. Go.
Nitong Sabado (June 5, 2021) ang mga tauhan ni Sen. Go ay naghatid ng ayuda sa mga biktima ng sunog (6-araw na lumipas) sa Brgy. New Kalalake, Olongapo City, Zambales.
“Kung may maitutulong pa kami, magsabi lang kayo. Huwag kayong mahiyang lumapit sa amin dahil trabaho namin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya,” pahayag pa ni Go sa kaniyang naging video message.
Namahagi ng mga pagkain, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields sa mga 15 pamilya na ang aktibidad ay isinagawa at mahigpit na ipinairal ng mga tauhan ni Go ang health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Bukod dito, ang grupo ng Department of Social Welfare and Development ay namigay rin ng bukod na financial assistance. Ang Department of Trade and Industry at ang National Housing Authority ay nagsagawa naman ng assessments para sa kanilang mga assistance program.
Si Sen. Go na siyang Vice Chair ng Senate Committee on Housing ay pinupursige nito na ang bawat pamilyang Filipino lalo na ang biktima ng natural disasters at fire incidents ay magkamit ng desente at abot-kayang halaga ng pabahay. Kabilang dito ang Senate Bill No. 203 o ang National Housing Development, Production and Financing Act. Ang inihaing bill nito noong 2019 ay naglalayon sa housing production sa pamamagitan ng long-term at reliable government financing.
Sa naturang taon ay naghain din si Go ng SBN 1227 o ang Rental Subsidy Program Act na naglalayong mapagkalooban ng formal housing ang mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad.
“Gagawin ko ang parte ko sa Senado upang isulong ang lahat ng mga nais nating makamit sa pamamagitan ng pagpasa ng mga makabuluhan at epektibong mga batas na magpapaganda sa pamumuhay ng ating mga kababayan,” sad ni Go.
Si Go bilangChairman naman ng Senate Committee on Health ay nag-alok ng tulong para sa mga nangangailangan ng medical treatment na magsadya ang mga ito sa Malasakit Center ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, Iba town upang makakuha ng medical assistance mula sa gobyerno.
Sa kasalukuyan ay may 117 Malasakit Centers sa buong bansa na mahigit 2 milyong mahihirap na mga pasyente ang nakabenepisyo mula nang inilunsad ang programa noong 2018 ni Go, na noong taong iyon ay Special Assistant to the President pa lamang ang posisyon nito.
Sa pagbibigay ng asiste sa mga pamilyang nasunugan ng bahay sa Olongapo City ay pinasalamatan din ni Go ang local government officials sa naging pagresponde sa insidente kamakailan na partikular na binanggit nito ay ang mga opisyal na sina Governor Hermogenes Ebdane Jr; Mayor Rolen Paulino Jr; Vice Mayor Aquilino Cortez; Councilors Kaye Legaspi, Rodel Cerezo, Jerome Bacay, Lugie Lipumano, Jamiel Escalona at Cristabelle Paulino gayundin si Brgy. Chairman Randy Sionzon.
Si Go ay patuloy na nagsasagawa ng pagbibigay suporta sa mga komunidad sa kabila ng mga pagsubok ngayong pandemya lalo na sa mga Zambaleño at bahagi nito ay naglaang pondo ito para maipagpatuloy ang rehabilitasyon ng Elicano st., Brgy. Bajac-Bajac.
Noon namang May 27, ang mga tauhan ni Go ay naglunsad ng relief operations sa mahigit na 2,000 benepisaryo na binubuo ng indigent, persons with disabilities, senior citizens, solo parents at workers sa mga barangay ng Sta. Rita, Pag-asa at ang West Bajac- Bajac.
The post GOBYERNO HANDA SA KRISIS – SEN. GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: