Facebook

Ika-121 Malasakit Center binuksan sa Mountain Province

PATULOY sa pangakong poprotektahan ang karapatan ng mga Filipino na magkaroon ng access sa serbisyong pangkalusugan, pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-121 Malasakit Center sa Bontoc General Hospital sa Bontoc, Mountain Province.

Ang BGH ang pang-anim na ospital sa Cordillera Administrative Region at pangalawa sa lalawigan na pormal na nagtayo ng Malasakit Center.

Matatagpuan ang isa pang center sa Luis Hora Memorial Regional Hospital sa Barangay Abatan, Bauko na matatandaang inilunsad noong May 7.

“Pasensya po at gusto ko sanang dumalo diyan pero naging delikado ang panahon. Ayaw ko naman ipagpaliban ang pagbubukas nito dahil marami ang nangangailangan ng tulong. Lalo na ngayong may pandemya, maraming pasyente ang gustong makahingi ng tulong mula sa gobyerno para sa kanilang pampagamot,” ang sabi ni Go sa kanyang virtual speech.

Ang Malasakit Center ay isang “one-stop shop” na pinagsama-sama sa iisang bubong ang mga ahensiyang nag-aalok o may medical assistance programs, kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Noong siya ay Special Assistant to the President pa lamang, si Go ang nagsulong na mabuksan ang kauna-unahang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City noong 2018 na layong mapalawak ang access sa health care ng mahihirap o “financially incapacitated patients”.

Kaya nang maging senador, agad niyang iniakda at inisponsoran ang ngayo’y batas nang Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019.

Iniaatas ng batas na ang lahat ng DOH-run hospitals ay dapat magkaroon ng Malasakit Center.

Ang mga public hospitals, kabilang ang mga pinatatakbo ng local government units, ay maaari ring maglagay ng sariling Malasakit Center ngunit dapat ay nasusunod ang standard set of criteria at hindi paputol-putol o “teka-teka” ang serbisyo.

“Ipinangako kong isasabatas ko ‘to para kahit wala na kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte sa gobyerno ay tuloy-tuloy ito. Kung nakakatulong lang naman ‘to sa mga mahihirap nating kababayan, pakiusap ko sa susunod na administrasyon na sana ay patuloy nila itong suportahan,” sabi ni Go.

“Wala ‘tong pinipili. Basta Pilipino at poor o indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit Center. Kung tatanggihan kayo, sabihin niyo, ‘karapatan ko ito bilang Pilipino’. Pera niyo ito na binabalik lang namin sa pamamagitan ng maayos na serbisyo,” idinagdag ng senador.

Sinabi ni Go na palaging bukas ang opisina nila ni Pangulong Duterte kung may gustong humingi ng tulong.

“Hindi kami mangangako ng hindi namin kaya pero gagawin namin ang lahat para tulungan kayo. Lalo na nasa gitna tayo ng krisis, panahon ito para magmalasakit sa ating kapwa,” ayon kay Go.

“Napanood namin sa telebisyon na tinutulungan daw ng Malasakit Center ang may mga sakit. Hindi ako nahirapan humingi ng tulong. Naging madali ‘yung proseso. Hindi ka pabalik-balik at hindi marami ang requirements. Sobrang laking tulong niya kasi wala akong binayaran sa pag-oospital ko,” saad naman ng isang pasyente na si Jonalina Galate.

“Maraming salamat sa Malasakit Center para sa assistance. Maraming salamat rin sa founder ng programa na si Senator Bong Go. More power to you, sir! Sana marami pa kayong matulungan na katulad ko,” idinagdag ni Galate.

The post Ika-121 Malasakit Center binuksan sa Mountain Province appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ika-121 Malasakit Center binuksan sa Mountain Province Ika-121 Malasakit Center binuksan sa Mountain Province Reviewed by misfitgympal on Hunyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.