IPAGPAUMANHIN ninyo kung hayagan iparamdam ko sa inyo ang aking matinding dalamhati. Namayapa ang aking minamahal na 91-taong gulang na ama, Mario Fradejas Jr., noong Miyerkoles ng gabi.
Nagkasakit ang aking ama kamakailan at iyon ang umpisa ng katapusan ng kanyang buhay sa mundo. Hindi niya kami pinahirapan; hindi siya naging pabigat sa amin. Nang naramdaman niya na oras na lumisan, natulog siya at natapos ang lahat sa aming ama na huwaran na nabuhay ng marangal at masaya.
Maligayang paglalakbay sa kabilang buhay, aking ama.
* **
Bago namayapa ang aking ama, may mga ilang kuntil-buntil kaming naisulat tungkol sa pulitika sa ating bansa. Sa deretsahang usapan, hindi kami kumporme sa ginagawa ng Bise Presidente Leni Robredo at ang Liberal Party na kanyang kinabibilangan. Hindi kami bilib sa imbitasyon kay Isko Moreno at Manny Pacquiao na sumapi sa oposisyon. Bumabaligtad ang aming tiyan sa pagpapasok sa dalawang nilalang sa oposisyon.
Hindi kabilang sa puwersang demokratiko si Isko at Mane. Hindi sila nababagay sa oposisyon. Oportunistang pulitiko si Isko at wala sa kanyang record na ipinaglaban niya ang prinsipyo ng demokrasya. Kung sino ang nasa poder, doon si Isko.
Pinaboran ni Mane si Rodrigo Duterte sa kanyang madugo ngunit nabigong giyera kontra droga. Isa si Mane na sumuporta sa walang tigil na patayan, o EJKs, kung saan pinapatay na parang mga manok ang mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.
Hindi namin alam kung saan kumuha ng lakas ng loob at ideya si Leni upang ipagkanulo ang demokratikong puwersa ng oposisyon para kay Isko at Mane. Hindi namin alam kung bakit pinapapasok niya ang dalawa gayung isinusuka sila ng puwersang demokratiko. Pareho silang hindi katanggap-tanggap.
Hindi kami sang-ayon sa pahayag ni Kiko Pangilinan na pinalalawak ng Liberal Party ang kanilang hanay sa pag-iimbita kay Isko at Mane. Tulog ang Liberal Party ng kung ilang panahon. Mas maigi na palakasin muna ng Liberal Party ang sariling hanay bago palawakin at imbitahin ang ibang tao na hindi naman demokrasya ang paninindigan.
Pinahihina ng Liberal Party ang 1Sambayan na nabuo kamakailan bilang pangunahing koalisyon ng puwersang demokratiko ng bansa. Napilitan ang puwersang demokratiko na magbuklod-buklod bilang 1Sambayan dahil hindi sigurado si Leni kung tatakbo sa 2022.
Hindi kailangan ang 1Sambayan kung tatakbo si Leni bilang pampanguluhang kandidato ng oposisyon sa 2022. Dahil walang kasiguruhan sa kanyang desisyon at hanggang naghihintay ang puwersang demokratiko, nabuo ang 1Sambayan upang magbigay ng proseso sa pagpili ng kandidato ng oposisyon.
Sa prinsipyo ng equity of the incumbent, karapatan ni Leni na maging pangunahing kandidato ng oposisyon sa panguluhan. Ang problema ay hindi siya handa; hindi siya makapagdesisyon.
***
HINDI namin alam kung paraan ni Leni na umiwas na maging kandidato ng oposisyon ang pag-imbita at pagpapasok kay Isko at Mane. Hindi namin alam kung ipamimigay niya kay Isko at Mane ang puwersang oposisyon. Naunang umalis si Isko sa proseso ng 1Sambayan kaya wala siyang karapatan na maging kandidato ng oposisyon.
Hindi kailanman bahagi ng oposisyon si Mane, sa totoo lang. Hanggang ngayon bahagi siya ng naghaharing koalisyon ni Rodrigo Duterte kahit na nag-aaway-away sila doon at nakatakdang sipain siya bilang pinuno ng PDP-Laban. Wala siyang pinanindigang anumang prinsipyo o simulain na tutugon sa pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.
Mas kilala siya sa boksing. Mas bantog siya sa pagliban sa sesyon ng Senado. Butata sa basketbol. Sinubukan kumanta ngunit si Dionesia lang bimilib aa boses hanggang ipamudmod ang record sa mga rally upang makarami. Ambisyoso lang si Mane pero hindi maprinsipyo.
Hanggang ngayon, matindi ang aming paniniwala na hindi tatakbo si Leni sa panguluhan. Hapi lang siya sa suporta ng kanyang mga panatikong tagahanga. Hindi kami bilib sa panatisismo at wala kaming amor sa kanyang mga panatikong tagasuporta. Pero huwag niyang ipagkanulo ang puwersang demokratiko sa dalawang taong walang karapatan.
***
IPINAGKAKAPURI naming na kaibigan si Roly Eclevia, isang manunulat at mamamahayag. Sa Isang post, sinabi ng aming mabunying kaibigan:
Leni Robredo can’t lose
with anti-democratic candidates
cancelling each other’s votes out
Isko Moreno is not popular. He failed in his Senate bid, remember? The voters did not include him among the 12 names they checked. How would he fare in a one-on-one?
If Leni Robredo wants to cast a wide net, as she has been hinting all along, she might want to consider Manny Pacquiao as running mate.
That Sara Duterte will try to succeed her father is a foregone conclusion. If she cannot persuade Ferdinand Marcos Jr. to yield to her ambition, and that seems to be the case, both will lose to Ms. Robredo (since they will be drawing from the same anti-democratic, reactionary base), as Imelda Marcos and Eduardo Cojuangco lost to Mr. Ramos.
It is suggested here that Mr. Pacquiao would make a good vice presidential candidate, much better than the vacuous Mr. Moreno, but the fact is that he’s been eyeing the highest office of the land all these years. Nobody can prevail upon him to give up his dream, not even Rodrigo Duterte.
For Ms. Robredo that will be the best case scenario. How can she lose with all these candidates cancelling each other’s votes out?
As regards Dick Gordon and Ping Lacson, who have also signified intention to join the fray, just ignore them. Not only can’t they win, they cannot influence the outcome of the election, for or against any presidential candidate.
Dagdag ni Roly sa isang post: “Isko Moreno is no VP material for Leni Robredo or Sonny Trillanes. He’s just another Bayani Fernando, sikat lang sa lugar nya.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Isko, Mane: Huwag po! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: