Facebook

Kaarawan, isinelebra ni Bong Go sa pagtulong sa mga batang may sakit

IMBES na magpakasaya kasama ng mga kaibigan at pamilya, isinilebra ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga batang may sakit sa isang ospital sa Quezon City noong Lunes.

Pinuri ang gobyerno sa patuloy na pagsisikap na maresolba ang mga balakid sa health and medical care na kinakaharap ng indigent patients sa gitna ng pandemyapandemic, ipinagdiwang ni Go ang kanyang kaarawan kasabay ng pagbubukas ng ika-119 Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa Quezon City.

Ang NCH, nangungunang provider ng pediatric care, ang ika-24 ospital sa Metro Manila at pang-9 sa Quezon City na napagtayuan na ng Malasakit Center.

Ang iba pa ay ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Orthopedic Center at Veterans Memorial Medical Center.

Muling idiniin ni Go ang kanyang pangako na patuloy na isusulong ang mga panukalang batas na magsasaayos ng access sa dekalidad na health care sa buong bansa.

“Bilang inyong Chair ng Senate Committee on Health, patuloy kong ipaglalaban ang mga batas na mag-iimprove sa ating mga lokal na ospital. Hindi ako titigil dahil alam ko ang sitwasyon sa baba at alam ko ang makikinabang dito ay ‘yung mga mahihirap,” ani Go.

“Wala pang COVID, umaabot na ng 400 percent ang mga occupancy rate. Ngayon na may pandemya, mas kailangan pa natin mag-invest sa ating health care system para matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Pilipino,” patuloy niya.

Kaya bilang panimula nang maupong senador, agad na iniakda at inisponsoran hanggang sa maging ganap na batas ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Pinag-isa o pinagsama-sama sa iisang center ang mga government agencies na nag-aalok ng medical assistance sa mahihirap at indigent patients, kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Health Insurance Corporation.

“Nakakatuwa marinig na wala daw lumalabas sa ospital na ito na hindi masaya. Pakiusap, huwag niyo pababayaan ang mga bata at pamilya natin na walang matakbuhan sa panahon ngayon,” ayon sa senador.

”Palaging sinasabi ni Pangulo [Rodrigo] Duterte na kung anong pera mayro’n ang gobyerno, ibalik natin ‘yan sa tao dahil pera naman nila ‘yan,” aniya pa.

Matapos pangunahan ang pagbubukas ng Malasakit Center, personal na binati si Go sa kanyang kaarawan ng mga batang cancer patients at ng kanilang pamilya sa Oncology Unit.

Namigay ng tulong at regalo si Go sa mga batang pasyente at nangako siyang hindi bibitiw sa pagtulong sa mga ito hanggang sa makarekober sa sakit.

“Sana, ang wish ko lang sa inyo ay humaba pa ang inyong mga buhay. Tutulungan namin kayo ni Pangulong Duterte. Maraming salamat,” sabi ng senador. (PFT Team)

The post Kaarawan, isinelebra ni Bong Go sa pagtulong sa mga batang may sakit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaarawan, isinelebra ni Bong Go sa pagtulong sa mga batang may sakit Kaarawan, isinelebra ni Bong Go sa pagtulong sa mga batang may sakit Reviewed by misfitgympal on Hunyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.