
PATULOY ang maigting na pagpapaalala ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan sa lahat na ugaliin ang pagsunod sa health protocol, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras lalo na kung nasa mga pampublikong lugar.
Nitong mga nakaraang araw, nasa 26 na residente ng lungsod ang nahuli ng mga pulis na walang suot na facemask o face shield o di naman kaya ay hindi tama ang pagsusuot ng mga ito.
Ang nahuli ay maaaring magmulta ng P1,000 o community service.
Muli’t-muli ang paalala ni Mayor Panaligan na ugaliin ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield, at panatilihin ang tamang physical distancing para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Mayor Panaligan na iwasan muna ang mga party-party o handaan sa mga barangay na dinadaluhan ng maraming tao baka si COVID-19 na ang maimbita ninyo at wag matigas ang ulo sumunod sa ipinatutupad ng gobyerno.
Aniya hindi pa tapos ang laban kontra Covid-19, disiplina at kooperasyon ang kailangan.
Samantala pwede ng daanan ang mga kongretong kalsada sa Lalud-Pachoca Road na magkokonekta sa JP Rizal, National highway – Barangay Pachoca-Barangay Balite-Barangay Mahal na pangalan at Barangay Wawa na inaasahang makakabawas sa trapiko sa JP Rizal St. at magsisilbing alternatibong daanan para sa mga motorista.
Ang pagkokongreto ng kalsada sa Phase 2 at Phase 3 ng Lalud-Masipit at Masipit-Sta. Isabel ay bahagi ng City BUILD BUILD BUILD Project ng City Government sa ilalim ng pamumunuo ni City Mayor Arnan C. Panaligan.
Bagama’t hindi lahat kayang pagsabay-sabayin ang pagpapasemento ganun din ang mga paliting lumang mga kalsada, ang mahalaga nakikita ng mga Calapeño na ang kanilang ibinabayad na buwis ay napapalagay sa maayos at sa masinop na pamamahala ni Mayor Arnan Panaligan.
Umapela din si Mayor Arnan Panaligan, kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Presidential Adviser Sec. Atty. Salvador Panelo ng dumalaw ito sa Calapan kamakailan na dagdagan ang alokasyon ng pondo para sa bakuna sa Lungsod ng Calapan na siyang Regional Chairman ng Mimaropa.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Mayor Panaligan sa mga Calapeño: Sumunod sa umiiral na health protocol appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: