DUMATING na ang pinangangambahan at kinatatakutan ni Rodrigo Duterte at mga alipures. Ito ang maaaring magpabago sa takbo ng bansa at maging ang pulitika. Bumaba na ang huling ulat ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC), ang pandaigdigang hukuman laban sa malawakang pagpatay..
Sa kanyang huling ulat, sinabi ng nagreretirong Fatou Bensouda na “may makatwirang basehan upang maniwala na ginawa ang crimes against humanity (mga krimen kontra sangkatauhan) sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo, 2019 hanggang ika-16 ng Marso, 2019 sa konteksto ng digmaan kontra droga.”
Kalakip ng huling ulat, ang isang 57-pahina supplemental report na may mga detalye kung saan ikinuwento ang mga pangyayari kung saan ang mga taong gobyerno ang nagplano, nagsagawa, at nag-enganyo sa mga extrajudicial killings (EJKs), na ang bilang ay umabot sa pagitan ng 12,000 hanggang 30,000 sibilyan.
Inirekomenda ni Bensouda sa pamunuan ng ICC ang “preliminary investigation” laban kay Duterte at PNP. Sa ilalim ng rekomendasyon na ito, maaaring hingin ng ICC ang record ng mga patayan at tawagin ang mga saksi upang magpaliwanag.
Sa Sandaling buksan ang pormal na bahagi ng pagsisiyasat, mag-iisyu ang ICC ng mga summons at arrest orders. Mukhang sinusunod ng ICC ang orihinal na timeline kay Duterte. Maaaring tawagin ng ICC si Duterte upang magbigay ng panig sa usapin at kung kailangan ay ikulong upang mapigil ang mga EJKs.
Hindi pinansin ang pagtiwalag ni Duterte sa pagiging kasapi ng Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa ICC. Ginawa ni Duterte ang pagtiwalag noong 2019 upang lumusot sa imbestigasyon ng ICC at maaaring parusa ng ICC.
Inaasahan na babaguhin ng desisyon ng ICC ang ang takbo ng gobyerno sa Filipinas. Mistulang tinalian sa kamay si Duterte at sampu ng kanyang mga galamay sa PNP. Hindi pa natin alam kung alam ang gagawin ni Duterte. Hindi natin alam kung papasailalim siya sa pormal na imbestigasyon at kung ano ang kakahihitnan kung tumutol siya.
Kinumpirma ng desisyon ng opisina ni Bensouda na hindi nila sasantuhin si Duterte na may reputasyon sa buong mundo bilang isang mamamatay tao. Hanggang ngayon, hindi alam kung makikipagtulungan si Duterte sa ICC bagaman nauna niyang ipinahiwatig na hindi papapasukin ng kanyang pamahalaan ang mga imbestigador ng ICC.
Dahil papapalapit na ang halalang pampanguluhan sa 2022, isang malaking dagok sa mga kandidato ni Duterte at Davao Group ang pumalaot sa kampanya. Isang halik ni kamatayan ang anumang desisyon ng mga pulitiko na kunin ang suporta ni Duterte.
***
PINAGTAWANAN si Sonny Trillanes nang una niyang isapubliko ang plano ng Magdalo na dalhin ang isyu sa ICC. Hindi masyadong kilala sa publiko ang ICC kahit kasapi pa ang Filipinas noon. Sa marami, walang kahihinatnan ang plano. Pinagsikapan ni Trillanes at mga kasama, lalo na si dating Kin. Gary Alejano na bigyan ng laman ang sakdal.
Hindi nagkamali si Trillanes at Alejano sa ipinaglaban. Taglay ang dugo ng mandirigma na susugod sa laban at hindi basta-basta susuko, itinuloy nila ang kanilang plano kahit sa gitna ng mga panlilibak. Ang mga ganitong uri ng lider ang kailangan ng bayan sa hinaharap. Malinaw mag-isip at buo ang dibdib sa laban.
***
TAHASAN namin sinasabi na hindi kami kumporme sa asal ng mga panatiko ng Bise Presidente Leni Robredo. Sa ganang kanila, pag-aari nila si Leni at mistulang sila ay may prangkisa para ariin si Leni. Hindi lang iyan; sa tingin nila, hindi magkakamali si Leni.
Kahit ang sinabi namin ay hindi kontra kay Leni ngunit hindi nila nagustuhan, naghihiyawan na akala mo natapakan ang in-grown sa kanilang mga hinlalaki sa paa. Panatisismo na iyan at sila ang huli para malaman na pinasok na ng kulam ang kanilang mga isip. Walang matino at makatwiran na pagtaya sa isyu.
***
KUNG tutuusin, hindi lang ang mga kandidato ni Duterte ang masasagasaan ng desisyon sa ICC. Maski ang ibang kandidato na hindi nasa kampo ni Duterte. Hindi mabibiyayaan si Mane Pacquiao at Dick Gordon na parehong nangagarap na mapunta sa Malacanang. Isa si Mane sa mga mambabatas na nabigay katarungan sa EJKs. Pumalakpak pa si Gordon noon sa mga EJKs.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit isinama si Dick Gordon nina Trillanes sa mga akusado ng crimes against humanity. Nakakahiya sapagkat siya pa ang pangulo ng Philippine Red Cross na ang pangunahing misyon sa mundo ay sumagip ng buhay. Ngayon, ang pangulo ng PRC ay akusado na rin ng crimes against humanity.
***
MGA PILING SALITA: “How can Lacson, who hid to escape prosecution, and never follows up on corruption cases he exposes, question VP Leni’s toughness? He is like a decoy volleyball player who rises up, making opponents think he will spike the ball, only to fall down and let other players do so. VP Leni, on the other hand, has kept her cool, against everything thrown at her by the devil posing as the leader, and has focused on helping those in dire need. That is tough servant leadership, the likes, our country has rarely seen.” – Aurelio Servando, netizen
“Di na ba pwedeng punahin si Sara? Ano siya munting prinsesa?” – Jerry de Gracio, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Takot at pangamba appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: